Meron po kmi staff n pinahuli sa Pulis dahil sa nawalang pera(lotto sales) sa shop namin. Actually po nag pa sama lang ako sa pulis sa pag punta s bahay ng staff namin para malinawan ako kung ano nagyari, At nung nsa police station na kmi inamin nya mga ginawa nya. na tumaya sya sa pag asang mananalo sya at ito ay umabot ng halos 200K. Dahil sa nalaman ko, nagpasya ako n kasuhan sya ng QUALIFIED THEFT. Nakulong po sya ng over night then the next day po ay nabistahan na sya. and habang nsa kulungan sya, Naki-usap sila n wag nlang sya kasuhan at babayaran nman daw nila ung Nawala kaya sabi ko na isulat lahat ng sinabi nya sa akin, at ginawa nman nya. (pru ung sulat n ito ay hindi ko pa binibigay sa pulis at sa prosecurtor)
Qualified theft po ung unang case, Kaya po sya nakulong ng 1week kasi no bail daw po ang Qualified theft lalo na amount n almost 200K, Peru after a week may nilabas n resolution ang prosecutor office na dismiss ung case na Qualified theft peru kakasuhan naman sya ng ESTAFA. kaya daw po sya nakapag post ng bail. Nag set n po ng Arraingment nung july kaya lang pareho po kmi di nag appear sa court kasi late ko n nareceived ung letter kya na re-sched ung arraingment ngaun August. Na arraign lang po sya this August lang,
During the arraingment, tinanong sya ng PAO kung ano isasagot nya sa arraignment, sabi nya n totoo daw lahat ng akusasyon sa kanya, pru sinabi sa kanya ng PAO na wag nya sasabihin yun sa harap n Judge, sabihin nya n NOT GUILTY. Nauunawaan ko po ito, TAMA po ung PAO dito. and nagrecommend po ung PAO nila n pumasok sa MEDIATON, pumayag po ako, kasi alam ko po n yun ang process.
Ung di ko po maintindihan ay ung pag uusap namin ng Public PROSECUTOR after the hearing. Sinabi po nya sa akin na makipag areglo na lang daw ako pra di na humaba ang kaso. tutal maliit lang naman na halaga ang pinag uusapan dito. Wala din nman daw mangyayari, at sa sobrang dami daw ng kaso sa court eh bka mabalewa lang daw ung case kasi maliit lang na kaso. Bka daw sa huli ay wla pa akong makuha.
TAMA po ba ito? dapat ba ako sumunod sa payo ng DAPAT Na nagtatangol sa karapatan ko? Maliit po siguro sa kanya pru sa akin ay kabuhayan ko na ito. Ano po Dapat ko gawin. Ilang beses na din po kasi kmi nag usap ng Kinasuhan ko, pru wla silang definite n solution n mabigay Gustuhin ko man n kumuha ng Private prosecutor ay di ko talaga kaya magbayad ng FEE nila. ung 200K ay patuloy ko pa din hinuhulugan sa PCSO.