Good day po Atty,
Mukhang related po sa tanong ni jefreysevilla last dec 13,2010 ang itatanong ko. Dati po kasing casier ang bayaw ko sa isa ring gasoline station. Nakakulong po sya (TRO) dahil din sa kasong qualified theft na sinasampa ng owner. Di naman talaga sya nagnakaw. Kinasabwat lang sya ng accountant na dayain ang financial report para makakuha ng pera kapalit ng maliit na halaga (1000) kada resibong pinapipirmahan sa kanya. Nag resign na lang po ang bayaw ko dahil ayaw na nyang madawit sa lumalalang issue. Ngunit hinahabol pa rin sya ng company. Tinanggap nya na lang ang paratang para hindi na humaba ang usapan at napagkasunduan ng bayaw ko at ng owner na hulog hulugan na lang ang halaga na nawala. Nagsimulang maghulog ang bayaw ko simula ng 2009 na walang resibong binibigay sa kanya at may 1 year palya. Nagalit ang company dahil sa isang taong palya kaya nilitagan sya ng search warrant at ngayoy naka- temporary arrest po sya since Sept 25 2013. Tama po bang ikulong ang bayaw ko kung meron naman napagkasunduan ngunit pumalya lang sya ng 1 year dahil gipit. Ano po ang gagawin namin. May nilatag silang documento na may kailangan pa daw bayaran na halagang 189,000 sila. Nakikipag areglo na lang ang kapatid ko sa company. Ibibigay na lang nila ang kanilang bahay worth 800T(estimate) kapalit ng mabilis na paglaya ni bayaw. Tama po ba ang naging desisyon na namin. Need ko po ng payo para sa mas mabilis na paglaya ng bayaw ko. Kawawa kasi ang mga anak nila. Maliliit pa at ngayon, nagdadalang tao pa ang kapatid ko.