Ako po ay nagtrabaho bilang isang project based sa isang power plant. Ang aking po kontrata ay 10 months (aug 26,2014 - june 25,2015). Sa araw ng june 25,2015 ito po ay aking ipinaalam sa aking company pinagtatrabahuhan.at patuloy po aki nagtrabaho. Noong july 6,2015 ako po ay kinausap ng aking supervisor at sinabihan hanggang july 10,2015 na lamang.at ang mga rason ibinigay sa akin ay ang project daw at malapit ng matapos at nagbabawas na ng tauhan ang general contractor.(ngunit ang katotohanan po ay di pa tapos ang project at ito ay binigyan pa ng 3months extension at maari pa madagdagan). Sinabihan di po ako na pag uwi ko ng july 10,2015 ako ay di na babalik pa at ito ay nangyare at aking ginawa. Noong july 14,2015 inemail ng hr sa akin ang extension ng kontrata para sa mga araw na june 26 - july 10,2015 (ginawa lamang ng hr ito noong july 7,2015) upang aking pirmahan upang sa ganoon ay maprocess ang aking final/last pay. Ang nasabi extension ng kontrata ay aking pinirmahan noong july 20,2016 sa kagustuhan makuha agad ang final pay sa kadahilanan ako lamang ang nagtatrabaho para sa aking pamilya. Ito po ba ay maconsider na illegal dismissal? Ano po ang aking dapat gawen? Kapag nakuha ko na po ba ang final pay ano pa ang maaaring kaparatan at dapat makuha mula sa company? Maari po ba ako magfile ng kaso kung sakali ito ay illegal dismissal kung sakali nakuha ko na ang final pay. Humihingi po ako ng agaran tulong upang magkaroon ng sapat na kaalaman ukol sa nangyare sa akin.