Noong July 13, 2015, I was absent due to fever, tonsilitis and cough. And di po ako nakapag paalam sa TEAM LEADER ko na mag-aabsent po ako that time. Pumasok ako noong July 14, kahit nilalagnat pa ako and sumasakit ang lalamunan ko. Noong July 15, 2015, nagdecide po ako na magresign due to health issues. Kinausap po ako ng TEAM LEADER ko and asked me kung final decision ko ba daw talaga ang magresign and I said 'yes'. Sinabihan ako na pwede na daw ako magresign and pwede na daw ako di bumalik sa work and di na daw magrender ng 30 days. Sinabi nya rin na, bumalik nalang pagka next week to processe clearance. Di ko na rin daw kailangan magpasa ng resignation letter. Kakausapin nalang daw nya ang aming manager about sa desisyon ko na magresign. Na shock po ako sa sinabi nya na di ko na kailangan magrender ng 30 days, eh willing naman po ako magrender basta malinis lang ang pagresign ko.
Tinanong ko pa nga TEAM LEADER ko if makukuha ko pa ba ang certificate of employment ko and back pay at sinabi nyang 'oo'.
I trusted my Team leader na magiging okay ang pagresign ko sa kompanya.
Nagpa clearance ako and nagrequest for COE. Sinabihan ako ng HR na bumalik after 5-10 days para sa COE ko. Pero na bother po ako kasi ang nakalagay po sa status ng kompanya ay "separated". So nung bumalik ako sa HR pagka next week, kinuha ko na ang COE ko at nagtanong kung ano ba talaga ang status ko. Tapos sinabi nung nasa HR ay AWOL daw ang status ko. Na shock ako at nireklamo ang buong detalye sa pagresign ko.
Sinabi ng HR sakin, eh Hindi na daw ma change yung status ko as AWOL. eh wala naman ako kamalay malay na ganun pala ang magiging outcome ng pagresign ko.
Please help me... ano po ang dapat kong gawin?