umalis po ako at iniwan sya dahil hindi ko na po sya kayang pakisamahan pa dahil sa maraming issue sa pamilya at sa aming mag asawa. madalas po kami magaway at hindi nya po kasundo ang pamilya ko at hindi nya po ako hinahayaang makita ang anak ko sa una kong kinasama.
wala po kami anak. mukha pong may problema sya kaya nahirapan po kami makabuo. nung maghiwalay kami patuloy ang panggugulo nya at paghahabol ngunit ayaw ko na po talaga. idinaan ko na po sa barangay namin at nagkaroon na po ng kasulatan na hindi na nya ako pwede guluhin. after po nito ay gumawa ako ng way para magkaayos kami ng ina ng anak ko na una ko kinasama para makita at makapiling ko po ulit ang matagal kong nawalay na anak. ngunit sa mga pagkakataon po na nakikita kaming magkasama ng aking asawa ay gumagawa po sya ng eskandalo sa publiko. ngayon nga po sinampahan nya ako ng kaso ng RA 9262 for emotional abuse at abandonment at pilit iginigiit na may relasyon kami ng ina ng aking anak.
pinalalabas nya po na sya ay emotionally abuse at hindi pa nakakamove on ngunit taliwas po ito sa mga nababalitaan ko at nakikita sa mga pinopost nya sa social media. may pagkakataon pa na noong pinipilit ko syang kausapin para sa pagaayos sa barangay ay iginiit at sinabi nya sakin na mayroon na syang bagong boyfriend at magagalit ito kapag nalaman na may komunikasyon pa kami. ito po ay bago pa nya ako sampahan ng kaso.
ano po ang chances na madismiss ang kaso na ngayon ay naiakyat na po sa court. ano po kaya ang pwede kong gawin para matigil na sya.
maraming salamat atty.