Ask lang po ako legal advise, may dati kasi ako kaopisina na ngkagusto sakin, pareho po kaming babae at nainlove daw sya sakin. Ang kaso inyawan ko na po sya at sabi ko tigilan na nya ako. Pero patuloy pa rin syang nangugulo sakin at gumawa pa ng facebook account ko at ngpanggap na ako. Naganap ito last year. Kung anu anu ang pnagtetext nya sa asawa ko at pinagbantaan kami na papatayin para makaganti. Nun lumipat ako ng trabago akala ko di na nya ko massundan, pero nagawa na namn nyang makuha ang landline number ko at naguumpisa na naman mangulo. Anu po ba ang legal action na pde ko gawin para maprotektahan ang pamilya ko. Pati po mga kapatid ko ay pinagaadd nya sa facebook at alam ko na may masama syang balak kya nya ginawa un.
Free Legal Advice Philippines