gusto ko lang po malaman kung ano po pwede kong gawin sa sitwasyon namen ng asawa ko at ng ex gf niyang naanakan niya. we were married po for 3 years. bago po naging kami ng husband ko nabuntis niya yung ex niya 3yrs old na po yung bata ngaun. may anak narin po kmi ng asawa ko ngaun isa palang. nung buntis palang po ako at may work asawa ko nagpapadala naman po kmi ng 2k monthly kaso halos 1 taon siyang nawalan ng work kaya natigil yung sustento. ako lang po nagwowork noon kaya hindi ako pumayag na magpadala ng sustento sa bata kasi may anak din kami. i shortcut ko na po ah? umabot na po sa demandahan ang nangyari. nagsampa ng ra 9262 and ra 7610 yung babae. nung una sabi niya tita daw niya may gusto na sampahan ng kaso yung asawa ko kasi nga di naman nagsusutento. tapos nakipag areglo kmi para matapos na yung case. humihingi siya ng 15k una para makipag areglo eh sir saan naman po ako kukuha ng 15k para dun sa gusto niya? 5k lang po naibigay namen kasi wala pong work asawa ko nun. nung nag apply siya for abroad nitong year natanggap siya kaso on going pa po yung case kaya nakipag areglo siya sa babae para po makaalis agad ng bansa para makapagtrabaho. bago po siya umalis nitong august 2014 nagkasundo po sila na monthly magbibigay kmi ng 2k sa account nung bata na ginagawa naman po namen ngaun at nakatabi po yung deposit slip. then,next school year po si husband ko na gagastos ng "matriculation and school expenses" ng bata. sa private school po nag aaral yung bata ngaun nursery palang. gusto ko po malaman kung ok lang po ba na sabihin ko sa nanay ng bata na ipublic school nalang niya ienroll yung bata kasi maliit palang po sinasahod ng asawa ko. tas nextyear po mag aaral na yung anak namen. since kmi naman ang magso-shoulder ng yun ok lang po kaya kung yun ang sabihin ko na public nalang? kasi binigyan niya ko ng brochure 25k na upon enrollment palang tas monthly 3k plus na. ayaw pumayag ng nanay ng bata na ilipat sa mas murang school yung anak niya eh hindi naman kakayanin yung 50k a year na gastos para sa bata.ano po bang pwede kong gawin na hindi makakasira sa compromise agreement nilang dalawa? may karapatan po ba ko? thank you po and God bless!