Every year nagkakaron si Company A ng scoring sa bawat employee nito. Nakasaad sa paraan ng pag-score n kung wala sa production ang isang employee sa loob ng 6 na buwan, dapat ay wlang basehan ang pagscore sa knya o kumbaga ang dapat n rating ay normal lng, HIndi mataas at mas lalong hindi mababa kasi wla ngang basis.
Si employee 3 buwan lng sa production dhil pagkatapos nun ay nagmaternity leave na.
pagbalik ni employee, nagulat siya na ang rating nia ay kabilang sa mga mabababang rating na kung saan ay walang mgiging bonus o dagdag na sahod.
Kpag ang rating ay mataas o gitna- may bonus at may dagdag na sahod
Kapag ang rating ay mababa - wlang bonus at wla din dagdag na sahod
Nagtanong si employee sa HR pero and sabi wla na daw magagawa dito at hindi na mababago. Magkakaron n lamang ng "coaching" ang lead o manager na nagbigay ng score kay employee/agent.
Karagdagang impormasyon, and rating ay nararapat na idiscuss sa employee upang maidepensa rin nito ang kanyang sarili at malamang kung valid ba ang score pere sa pagkakataong ito, hindi rin yun na-discuss kay employee dhil nga sa nkamaternity leave.
Nalaman nia n lamang ito pagbalik nia sa trabahao habang tinitgnan ang website kungsaan makikita ang nasabing rating.
Tanong:
Maaari bang mabago ang score o rating ni employee kung halimabawang mapatunayan na ang nagkamali ay ang manager?
Isang taong bonus at karagdagang sahod ang nawala, maaari pa rin ba itong makuha?