Unfortunately I am still married to my estranged husband.Almost 11 years na po ang marriage namin (kung bibilangin magpasa hanggang ngayon) hindi pa po kami annuled or legally separated. May 11yr old kaming anak at like any other separated couple mas madalas na sitwasyon ay nasa babae ang anak nila or kaming mga nanay ang umaako ng responsibilidad.Nandyan na yung kaming asawang babae ang magdidisiplina,mangangaral,pag may sakit ang bata kami ang nasa tabi ng anak namin kami ang nagtuturo sa mga assignments,nagluluto ng kakainin at lahat ng responsibilidad at paggagabay sa anak hanggat bata pa sila. Given the fact pati konsumisyon sa kakulitin ng bata at sa tigas ng ulo,pati pagpapagalit kami na lahat ang nakakaranas. At ang madalas na kontribusyon ng asawang lalaki ay financial o pera. At ito pa po ang madalas na hindi magampanan ng lalaki. Ang aking estranged husband sa aking paniniwala ay maayos at maganda ang trabaho. 6 years na po sya sa isang Hotel & Casino sa may Pasay City. Stable job kumbaga. At may posisyon na rin po. Noong nagsisimula pa lang sya sa pinagtatrabahuan nya,sa aking pagkakaalam e nasa P15,000-P18,000 ang sahod nya,take home napo yun.Nitong 2013 ay hiniwalayan ko napo sya,may naipundar kaming bahay sa isang exclusive subdivision pero ito ay townhouse lang at hindi naman masama ang monthly amortization na 7,000 a month.sya po ang principal buyer at aaminin ko sya po ang may mas malaking contribution sa pagbayad dahil narin sa trabahong nakukuha ko na halos taon taon e lumilipat ako ng trabaho pero pagdating naman sa mga pang araw araw na gastusin ay ako na doon (yun po noong magkasama pa kami sa bahay namin). Minsan po tumigil ako sa pagtatrabaho dahil nag full time mom ako sa anak namin gawa ng ayaw ko din na mga magulang namin ang taga alaga.pero nung naghiwalay kami bumalik na ulit ako sa trabaho and this time naging maganda naman at tuloytuloy ako na may naipangsusustento sa bata.Hindi napo kami nakatira ng anak ko sa bahay naming mag asawa,nasa bahay po kami ng magulang ko kaya po lahat ng kailangan ako po ang gumagastos,dahil retired narin ang mother ko at sya na po ang nagsilbing guardian ng anak ko.Yung lalaki naman ay hindi makuha sa isang salita na magsustento ng tuwing sweldo (dalawang beses sa isang buwan)minsan halos 2 months hindi nagbigay ng pera para sa bata.at kung magbibigay ay 2,500 a month.Nagfile napo ako ng criminal case sa fiscal at non support nga.may 1st hearing na sa Aug pero hanggang ngayon mahigpit parin ang kamay ng lalaking yun sa pagsusustento at naka back up pa ang nanay niya.