Magandang Araw!
May idudulog po ako sa inyo kung anung kaso ang pwede kung isampa sa ka officemate ko. Kasi po pinautang ko po siya na pera na nagkakahalaga ng Php 50,000.00. Di ko siya ganun ka kilala kaya humingi ako sa kanya ng mga papeles at mga identification at contact information niya. Matagal din nya pong naibigay sa ang mga papeles at Xerox na mga hinihingi ko.
Pinapirma ko rin po sya ng loan agreement at promisory papers na magbabayad sya ng instalment for 4 months, 8 bigayan.
Binigay nya po sa akin ang ATM niya para daw collateral niya at dun ko daw kunin ang bayad. Humingi rin po ako sa kanya ng co-barrower niya para mag-garantiya sa kanya.
Nakapag bayad naman po sya sa unang instalment. Pero nagtataka ako kc humingi sya ng dispensa kasi maliit ang sweldo nya po na di ko naman pinansin. Kasi nabayaran naman niya ng tama ang paunang bayad at sinabi niya na nkaleave sya ng matagal.
Nang sumunod na sweldo po naming nung June 12,2015 nag-email siya sa akin na paki-check ang sweldo nya kasi baka daw na hold ang sweldo nya dahil nagleave po sya ng matagal at makikipakita siya ng Lunes June 15, para bayaran ng cash ang pangalawang instalment. Pero di siya nagpakita ng buong araw sa akin.
Noong Tuesday June 16,2015 kinausap ko ang isa sa mga kaibigan at ang co-barrower niya at binalita ko sa kanila nangyari na di nya pagbayad at pagpakita niya nung Lunes.
Tinulungan ako ng mga ito para malaman kung paano sya makakausap. Kasi nagtext ako at nag-email ako sa kanya nung lunes para makipagkita sa kanya at di sya sumagot.
Inalam rin ng supervisor ko sa mga kaibigan nya kung nasaan yung ka officemate na umutang sa akin sa supervisor nya. Nalaman niya na nagsubmit na siya immediate resignation sa kanya at dawang beses lang sya nag-absent.
Nalaman rin namin sa kanyang mga kaibigan na may balak na pala syang umalis ng bansa. Sinabi din sa akin ng kaibigan nya lumipat na siya ng address pati ang kanyang pamilya. 2 linggo na ang nakaraan.
Nung June 18 lumapit ako police para magfile ng police report. Nag advise po muna ang police sa akin ana magpadala muna ako ng 3 demand letter sa address na binigay nya. At ang kung di siya sumagot o gumawa ng paraan para kontakin ako sampahan ko ng kaso.
Ano pong kaso ang pwede ko hihabla sa nangutang po sa akin ano po ang mga hakbang na kailang ko pong gawin? Napadalahan ko na po ng dalawang demand letter na ibalik na lang nya ang natirang principal the halaga na Php 43,000. Hanggang ngayon wala pa ring tawag o email na nanggaling sa kanya.
Maraming Salamat po.