Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

BABAENG NAGHAHABOL AT NAGEESKANDALO

+4
ynnej20
cloudseven
concepab
estellecelestine
8 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1BABAENG NAGHAHABOL AT NAGEESKANDALO Empty BABAENG NAGHAHABOL AT NAGEESKANDALO Sat Jul 11, 2015 11:37 am

estellecelestine


Arresto Menor

Good day po sir, I am so glad that I have found your site. Ive read some your discussions and they are all very helpful. Hihingi rin po sana ako ng advice sainyo,sana po matulungan nio rin ako.. Psencia na po kung mahaba habang usapan po ito. Pero gusto ko po maikwento sainyo para mabigyan nio kami ng asawa ko ng mas malinaw na payo.. because its bothering and haunting us for quite a while already. I got married to my husband last year and gave birth to our first baby may of this year but unfortunately she died... Sad due to a neural tube defect. Anyway, may naghahabol po na babae sa asawa ko...and she's claiming na dalawa ang anak ng asawa ko sa kanya. Isang 3 year old at isang 1 year old... Obviously mas una sa buhay ng asawa ko ang babaeng ito... ex gf po siya dati ng asawa ko sa province and then nong mag Japan itong babae na ito, nagkahiwalay na sila, its been 2 or 3 years na rin i think nong magkahiwalay sila at ngkaron din ng ibang GF ang asawa ko... pero nong bumalik itong babae na ito, single uli si BF and may nangyari sila... acording to my husband wala daw sila formal na relasyon its more of a sexual partner...naakit lang daw siya that time dahil gumanda at kuminis daw yong babae and that was it... @ months I think na mababaw na relasyon then hindi nanaman daw ngparamdam ang babae... and that's ok sa husband ko. After almost a year, bigla daw po nagparamdam ang babae telling him na may anak(boy) daw si husband sa kanya at 2 months old na. Of course nashock asawa ko noon. During those times, jobless si husband at halos wala ng maipang renta sa apartment kaya out of necessity at out of curiosity sa bata, pinuntahan nia ung babae. sabi ng asawa ko kahit live in daw ang pagsasama nila ng babae sa paningin ng nakakarami ang totoo raw ay hindi... Kasi ang turing daw po sa kanya nong babae is parang tsimoy, taga pag alaga ng bata, tagaluto, tagalinis at tagalaba sa apartment na pagmamay ari ng kapatid ng babae. (lahat po sila ay nagtratrabaho sa bar sa malate). Bukod po don wala daw po sila formal na usapan ng babae kung ano ang status ng relasyon nila..although my nangyayari pa rin sakanila... hindi daw sia pinahalagahan ng babae. Parang sa kama lang daw ang relasyon nila. Inamin ng asawa ko na napamahal narin sa kanya ung bata kahit na wala daw siang makitang resemblance nila ng bata... ang kinaiinis daw po ng asawa ko hindi man lang daw sia ipakilala ng babae na ama ng anak nia kung may mga bisita sa bahay. Minsan pa nga raw po pinagtago sia nong may dumating na lalaki na Ninong daw nong bata... Dahil doon hindi pumayag ang asawa ko na pumirma sa birthcert ng bata at walang pinirmahang kahit ano to acknowlege the kid...pero dahil sa katangahan ng asawa ko nong mga panahon na yun he stayed mga 1 year din po ang set up nilang ganon.. hanggang sa makakuha sia ng stable na trabaho, nagaabot na po sia sa babae.. palaki ng palaki kasi kulang daw ayon sa babae, 8K ung huling bgay nia. Sa ibang province ang work nia noon at nagpaparamdam lang daw po ung babae sa tuwing manghihingi ng pera. Hanggang sa makilala nia ako at malaman ko ang nakaraan nia... pero sumige ako sa relasyon namin kasi sobrang mahal ko na sia at bukod don nakikita ko sinceridad ng asawa ko. Hiniwalayan nia po ung babae, pero nagbanta na mangugulo sia sa opisina namin ng asawa ko, muntik ko na po hiwalayan ang asawa ko noon pero kahit daw hiwalayan ko daw sia, hindi na rin daw sia babalik sa babae dahil bukod sa hindi nia sigurado kung kanya ung bata wala daw patutunguhan ung pagsasama nila. Sinabihan ko sia na itigil muna nia ung sustento hanggat di napapatunayan na anak talga nia. So nagpakasal po kami... civil at sa church kasi hoping na titigilan na kami nong babae pero were wrong hanggang ngayon po binubulabog pa rin po kami.. Ang masaklap po is bago sila tulyang maghiwalay noon ng babae may nangyari uli sa kanila...kung kaya dalawa ang pinapaako ngaun sa asawa ko.. Nag attempt po kami na kausapin sia ng masinsinan. kasi willing naman po magsustento ang asawa ko kung mapapatunayan na kanya ang bata...Pero napakatapang po ng babae... magdedemanda daw sia. Which is ginawa nia sa PAO at pinalabas pang binubugbog sia ng asawa ko dati... buti na lang po kait babae ung abogado hindi po sia agad naniwala..hinamon na lang po namin ng DNA test ang babae para magkaalaman kaso sabi nia asawa ko daw dapat ang gumastos dahil sia daw ang nag dedeny.... Sa ngayon po nanggugulo parin po ang babae. Ipinagkakalat po nia sa mga kakilala po namin thru FB na may anak ang asawa ko sakanya at kung anu anong masasakit na salita ang ipinagkakalat nia sa amin.... pati pamilya namin ng asawa ko nadadamay na... hindi panaman sanay ang pamilya ko sa gulo at controversia... Sa ngayon po pasulpot sulpot po na pangugulo ang ginagawa nia samin. Minsan bgla na lang sia nageeskadalo sa opisina ng asawa ko... Alam ko po na napakagulo ng pinasok ko pero sana po mapayuhan nio po kami.

Ano po kaya ang dapat po naming gawin para matapos na po ang gusot na ito? Gusto na po kasi namin matahimik... Ano po kaya ang magandang gawin para matigil na sa pang eeskandalo ang babae...? Kahihiyan po kasi namin ung ginagawa nia... At sa totoo lang po mas extravagant pa kung titignan ang lifestyle nia kesa samin ng asawa ko... Napakaarte nia sa sarili nia at pananamit... sinasabi niang wala ng makain mga anak nia, pero sosyal na sosyal naman pumorma.. prang alaga sa derma ang balat nia , palaging rebonded at my kulay ang buhok plus naka contact lense pa. At mamahalin pa ang cellphone kumpara sa cellphone naming mag asawang lumang modelo na... Sinabihan nga din po sia ng asawa ko na ibigay nalang samin mga bata kung hindi nia kayang buhayin pero ayaw naman nia... Nag alok din ang asawa ko ng 2K bwan bwan kahit dpa napapatunayan na anak nga nia mga yun pero ayaw din nia kulang daw! Pero hindi naman kami mayaman pra magbgay ng malaki.. isa pa mag-asawa na kmi ng lalaking hinahabol nia.. kelangan din naming magipon para sa kinabukasan ng magiging pamilya namin...

Maraming salamat po sir... At pasensia na po sa napakahabang kwento... Aasahan ko po ang inyong payo...

2BABAENG NAGHAHABOL AT NAGEESKANDALO Empty Re: BABAENG NAGHAHABOL AT NAGEESKANDALO Sun Jul 12, 2015 6:30 pm

concepab

concepab
Reclusion Perpetua

Maaring magdemand ng sustento ang babae para sa mga bata mula sa asawa mo, ngunit magiging possible laman ito kung may mailalabas siya na patunay na ang asawa mo ang Ama ng mga bata like birth certificate. Since sabi mo nga ay hindi naman pumirma ang asawa mo sa birth certificate, ang tanging magagawa ng babae ay mag file ng petition sa korte para kilalanin ang bata bilang illegitimate child ng iyong asawa. Base na din sa mga ebidensya na naka-saad sa batas.

Kung hindi sigurado ang asawa mo na siya ang Ama ng bata, he should deny it. IMO, ang babae ang dapat na mag-initiate ng DNA test dahil siya ang naghahabol. Your husband can deny the child until the end of time at walang magagawa ang babae kundi maglabas ng patunay na siya nga ang Ama. And the best course for her is DNA test. Hindi kayo ang magiinitiate ng DNA testing.

3BABAENG NAGHAHABOL AT NAGEESKANDALO Empty Re: BABAENG NAGHAHABOL AT NAGEESKANDALO Wed Jul 15, 2015 1:30 pm

cloudseven


Arresto Mayor

I have the same problem as yours maam. Nakooo nakakaloka di ba? Buti sayo alam ng pamilya mo na may ganyang issue, samin ng asawa ko hindi alam ng parents ko hanggang ngayon. Yung babae nagpaparamdam lang di kapag wala mg pera tapos either may sakit yung bata or iba ibang dahilan. Sa ngayon nagbibigay ng 1500/mo ung asawa ko pero putolputol kase andami din namin gastos. Namatayan din kame ng angel na dapat 1st baby namin. Sad

4BABAENG NAGHAHABOL AT NAGEESKANDALO Empty Re: BABAENG NAGHAHABOL AT NAGEESKANDALO Wed Jul 15, 2015 1:31 pm

cloudseven


Arresto Mayor

SA bar din nagwowork ung babae eh. Mga ganung klase ng babae talaga yung naghahabol. Kainis

5BABAENG NAGHAHABOL AT NAGEESKANDALO Empty Re: BABAENG NAGHAHABOL AT NAGEESKANDALO Wed Jul 15, 2015 4:20 pm

concepab

concepab
Reclusion Perpetua

cloudseven wrote:SA bar din nagwowork ung babae eh. Mga ganung klase ng babae talaga yung naghahabol. Kainis

Naghahabol sila kasi hinayaan ng mga asawa nyo, nagpapatakot sila.

6BABAENG NAGHAHABOL AT NAGEESKANDALO Empty Re: BABAENG NAGHAHABOL AT NAGEESKANDALO Thu Jul 16, 2015 1:41 pm

cloudseven


Arresto Mayor

Ang masaklap on my part, late ko ng nalaman na dahil pala ayaw na ng asawa ko na manggulo pa ung babae at awayin ako, he signed an agreement saying that he'll give 3k/mo + he'll sign sa bc. Sa ngayon naman pera nalang kinukulit nung babae at hindi na inuungkat yung bc. Pwede na kaya ako umapela if ever?

7BABAENG NAGHAHABOL AT NAGEESKANDALO Empty Re: BABAENG NAGHAHABOL AT NAGEESKANDALO Thu Jul 16, 2015 3:51 pm

concepab

concepab
Reclusion Perpetua

cloudseven wrote:Ang masaklap on my part, late ko ng nalaman na dahil pala ayaw na ng asawa ko na manggulo pa ung babae at awayin ako, he signed an agreement saying that he'll give 3k/mo + he'll sign sa bc. Sa ngayon naman pera nalang kinukulit nung babae at hindi na inuungkat yung bc. Pwede na kaya ako umapela if ever?

Hindi nya pinaalam sa iyo kasi alam nya gumawa sya ng kalokohan and it's a big trouble.

Now, he signed the BC and recognized the child he should provide adequate support for the child.

8BABAENG NAGHAHABOL AT NAGEESKANDALO Empty Re: BABAENG NAGHAHABOL AT NAGEESKANDALO Fri Jul 17, 2015 2:22 pm

cloudseven


Arresto Mayor

He did not sign the bc po. They just had an agreement sa campo na iaacknowledge nya ung bata sa bc pero hindi naman pumayag ung asawa ko. Sana lang wag na mangulit pa yung babae. Maam, kapag ganung case ba na pumirma sila pareho sa agreement before we got married, pwede pa ba kame umapela?

ynnej20


Arresto Menor

Sir mgndang gbi po sna po matulungan nyo po ako.yung naging kabit ng asawa ko nagbunga ,hindi nmin cgurado kung sya b tlga yung ama but accrdg nmn sa asawa ko matinong babae nman dw yun,ang akin lang po ok if anak nya tlga yun ang gusto po namin mangyari ng asawa ko ay huwag ipagamit sa bata ang surname ng asawa ko kasi tiyak yun ang gagamitin nya pra mangulo sa pamilya namin dhil ginawa n yun dati,lahat ng kapamilya nmin tinetxt at tinatawagn p,nung una silang nagkarelasyon tpos naghiwalay sila nung babae sinabi nya sakin at sa asawa ko na buntis daw sya after 3mos nlmn ng asawa ko na di pla 22o,kasi kinamusta nya lang,dhil s pgttxt ng asawa ko dun sa babae nagtrigger n mgkablikan sila dhil yung babae lagi npunta s opis ng asawa ko,at lging tinatakot asawa ko n mageeskandalo sya pg di sya pinatuloy,hngng sa yung babae nrin gumagawa ng praan pra my manyari sa knila tpos ako nama walng kamaly malay tinrtxt p ng babae minsan sasabihin p nya na mrami dw ako hindi alm,tpos minsn mgttxt sasabihin kmusta bkit dika p mamatay,ganun kakapal ang mukha nya yun nga one tym nhuli ko sila s opisina dun nagising ang asawa ko na tama n.sobra n nkita ko yung sincerity nya at ngbago n tlga sya saklap lng nabuntis nya,ang skin sa asawa ko man yun o hindi pwede bang hindi ipagamit ng asawa ko apelyido nya kasi yun ang gusto ng babae at ipinipilit nya,ang sabi naman ng asawa ko susuportahan ang bata s abot ng mkakaya dhil my pamilya n sya pero di nya ipapagamit apelyido..naiinis ako sa babae dhil alm n nya from the start n my asawa n sya pero nagpabuntis pa sya  at sya p may ganang mgbanta sa asawa ko,sobrang kapal tlga.my laban b kmi n wag ipagamit surname ng husband ko?susuporthn nmn yung bta eh



Last edited by ynnej20 on Sun Jul 19, 2015 11:13 pm; edited 1 time in total

10BABAENG NAGHAHABOL AT NAGEESKANDALO Empty Re: BABAENG NAGHAHABOL AT NAGEESKANDALO Sun Jul 19, 2015 8:30 pm

woman2016


Arresto Menor

Pa DNA nyo na para doon kayo magsimula. Sabihan nyo yung babae sya dapat ang gumastos at kung pwede naman na kayo naman ang manakot sa kanya hanggat hindi nya pinapaDNA pero bantayan nyu rin at madami nang ways sa pandaraya.mukhang may nakukuhaan din ng ibang financial support yung babae e kase sabi mo sa kwento mo pustura at mas magagarbo ang gamit kesa sa inyo

11BABAENG NAGHAHABOL AT NAGEESKANDALO Empty Re: BABAENG NAGHAHABOL AT NAGEESKANDALO Mon Jul 20, 2015 1:30 pm

Renaj


Arresto Menor

May I ask kung may ikakaso sa lalaki kapag nakabuntis sya ng Girl pero hindi nya pinanagutan at gusto nung girl sustento eh wala maibigay yung Guy. and ano maganda gawin nung guy para matigil na yung Girl. Thanks po Smile

12BABAENG NAGHAHABOL AT NAGEESKANDALO Empty Re: BABAENG NAGHAHABOL AT NAGEESKANDALO Mon Jul 20, 2015 1:34 pm

rda


Reclusion Temporal

Tanong lang bago ang lahat..

Kung ang lalaki ang ama ng bata, bakit ndi nia ito pinanagutan?

13BABAENG NAGHAHABOL AT NAGEESKANDALO Empty Re: BABAENG NAGHAHABOL AT NAGEESKANDALO Mon Jul 20, 2015 2:44 pm

Renaj


Arresto Menor

Paano po kapag nakabuntis si Guy ng Girl hindi sila kasal, yung girl habol nya sa Guy sustento kaso si Guy wala naman work.. May ikakaso ba si Girl sa Guy kasi want daw mag demanda nung Girl ?

14BABAENG NAGHAHABOL AT NAGEESKANDALO Empty Re: BABAENG NAGHAHABOL AT NAGEESKANDALO Mon Jul 20, 2015 2:58 pm

rda


Reclusion Temporal

depende yan sa situation

1. kung acknowledged ng guy ung bata, dapt magsustento kasi kung ndi, pwede xa magfile for support o kaya naman ra9262. pero kugn walang trabaho, eh wlang magagawa, depende pa din yan sa financial ng capacity ng ama.

2. kung ndi naman acknowledged ung bata, dpende n un sa ina, kc kung mpapatunayan nila n ung lalaki ay ung biologcal father by doing tests like DNA, eh malamang sa obligado prin xa na magsupport and same case, pwede cla magfile ng case stated above against sa tatay ng bata.

Moral Lesson - wag kasing keme ng keme pra wlang problma.

Kapg nagbunga, dapt gampanan n lng ang tungkulin pra wlang argabyado.

15BABAENG NAGHAHABOL AT NAGEESKANDALO Empty Re: BABAENG NAGHAHABOL AT NAGEESKANDALO Mon Jul 20, 2015 5:54 pm

ccagent2014


Arresto Menor

Hindi naman pupwede yung sabihin na dahilan nalang pag walanh trabaho ang lalaki sorry nalang si babaeng nabuntis?kahit anu pang dahilan ng lalaki may karapatan parin si babae mag demand.Baldado ba yung lalaki at bakit hindi sya maghanap buhay.Magtrabaho sya yun ang gawin ng lalaki,si babae din syempre anak nya yun.pareho silang magtrabaho hindi yung puro lang 'sex' tapos ngangawangawa pag hindi pinanagutan

16BABAENG NAGHAHABOL AT NAGEESKANDALO Empty Re: BABAENG NAGHAHABOL AT NAGEESKANDALO Tue Jul 21, 2015 6:35 am

rda


Reclusion Temporal

@ccagent2014 - sabi nga nung isang kakilala ko dati dito sa forum... wla kang mapipiga sa tuyong damit.

depende pa din yan sa mapag-uusapan kung sa ngayon ay walang trabaho ang lalaki, then kapg nagkatrabahop xa eh dpat lng magbigay xa.. kung ndi ako nagkakamali, pwede rin hilingin sa kanya ung mga gastusin sa bata sa panahon na hindi xa nakakapagbigay..

Correct me if I'm wrong forum masters.

17BABAENG NAGHAHABOL AT NAGEESKANDALO Empty Re: BABAENG NAGHAHABOL AT NAGEESKANDALO Wed Jul 22, 2015 7:42 pm

ynnej20


Arresto Menor

Yung asawa ko po nabuntis ang naging kabit nya. Pd po bang wag n ipagamit apelyido ng asawa ko basta nangangako mg susustento. Actually kmi p pinaako s lht ng gastos s panganganak nya.. My laban b kmi?

18BABAENG NAGHAHABOL AT NAGEESKANDALO Empty Re: BABAENG NAGHAHABOL AT NAGEESKANDALO Sun Jul 26, 2015 6:21 pm

concepab

concepab
Reclusion Perpetua

ynnej20 wrote:Yung asawa ko po nabuntis ang naging kabit nya. Pd po bang wag n ipagamit apelyido ng asawa ko basta nangangako mg susustento. Actually kmi p pinaako s lht ng gastos s panganganak nya.. My laban b kmi?

Nasa desicion ng mother kung ipapagamit niya ang pangalan ng husband mo or hindi, ang importante para sa kanya ang kung acknowledge ba ng asawa mo ang bata.

Kung kinikilala ng asawa mo ang bata bilang anak niya, may karapatan ang bata na dalin or gamitin ang pangalan ng asawa mo, maari din naman hindi.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum