Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Naghahabol ng sustento...VAWC

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1Naghahabol ng sustento...VAWC Empty Naghahabol ng sustento...VAWC Fri Jan 30, 2015 3:46 pm

jamaryne


Arresto Menor

Patulong po: Malakas po ba ang kaso kung magFile ng VAWC sa isang dating boyfriend na matagal ng walang komunikasyon at may asawa na ang lalaki matapos ang apat na taon....?
     Hindi inaangkin ng lalaki ang anak ng babae na nung kabuwanan n lng nya nalaman na buntis pala ito habang hindi pa pormal ang break up ng kanilang nagkalabuan na relasyon..Itinago ng babae ang kanyang pagbuntis..Subalit napilitang pupirma ang lalaki sa likod ng birth certificate na inaacknowldge nia ang bata dahil sa takot sa pamilya ng babae...Ng manganak ay tuluyang lumabo ang relasyon at naisipang mangibang bayan ang lalaki at maghanap ng bagong trabaho dahil sa nawalan siya ng trabaho..
    Nang mapasok sa gobyerno ay saka na man sumulpot itong si babae para humingi ng suporta sa lalaki at kung hindi raw ito pansinin ng lalaki ay magfile ng kaso na VAWC.
Asawa po ako ng lalaki at pulis na po ito..Mahigit 3yrs na po kming live-in partner at pinagtulungan po namin ang gastos niya sa pag-aaply ng pulis.At siguro ay nakakuha siya ng impormasyon sa facebook kaya nghahabol na for 5 yrs n wlang kontak.

Ano po ang maaaring gawin ni lalaki?



Last edited by jamaryne on Fri Jan 30, 2015 4:16 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : kulang ang impormasyon)

2Naghahabol ng sustento...VAWC Empty Re: Naghahabol ng sustento...VAWC Sun Feb 01, 2015 3:31 pm

concepab

concepab
Reclusion Perpetua

Wala siyang magagawa kondi tumupad sa kanyang tungkulin bilang biological father ng bata.

3Naghahabol ng sustento...VAWC Empty Re: Naghahabol ng sustento...VAWC Wed Feb 04, 2015 8:17 am

jamaryne


Arresto Menor

maaari ho bang hanggang sustento lng ang maibigay ng lalaki kng sakali mng totoo n knya ang bata?ayoko po sanang magulo ang pamilya namin...sori at naging selfish lng siguro ako,pinoprotektahan ko lng kasi na hindi masira ang pagsasama namin.kasi nga po 4 yrs n ang nakaraan na wala nga po siyang pakialam sa lalaki kasi walang work at ngayon nga po ay may trabaho saka na man ginagamit ang anak para manggulo..
*ano po ba ang basehan ng sustento kung the time na ipinanganak ay wala pang work ang lalaki at hindi naman talaga sila nagsama sa iisang bubong?
**may karapatan ba ang bata sa property naming mag-asawa?



Last edited by jamaryne on Wed Feb 04, 2015 10:41 am; edited 1 time in total (Reason for editing : kulang ang impormasyon)

4Naghahabol ng sustento...VAWC Empty Re: Naghahabol ng sustento...VAWC Mon Feb 09, 2015 10:28 pm

aleenajean


Arresto Menor

Ang pagpirma nya sa birth cert ay katunayan na anak nya ang bata. Karapatan ng bata ang pinag uusapan dito. Obligasyon ng isang ama na suportahan ang kaniyang anak maging illegitimate o legitimate man. Ang hndi nya pagsustento ay may katapat na kaparusahan. For four years naghirap ang ina ng bata, siguro naman panahon na para tulungan ng boyfriend mo sa pagpapalaki ang dati nyang girlfriend.

5Naghahabol ng sustento...VAWC Empty Re: Naghahabol ng sustento...VAWC Tue Feb 10, 2015 1:42 pm

concepab

concepab
Reclusion Perpetua

jamaryne wrote:maaari ho bang hanggang sustento lng ang maibigay ng lalaki kng sakali mng totoo n knya ang bata?ayoko po sanang magulo ang pamilya namin...sori at naging selfish lng siguro ako,pinoprotektahan ko lng kasi na hindi masira ang pagsasama namin.kasi nga po 4 yrs n ang nakaraan na wala nga po siyang pakialam sa lalaki kasi walang work at ngayon nga po ay may trabaho saka na man ginagamit ang anak para manggulo..
 *ano po ba ang basehan ng sustento kung the time na ipinanganak ay wala pang work ang lalaki at hindi naman talaga sila nagsama sa iisang bubong?
**may karapatan ba ang bata sa property naming mag-asawa?

Sustento para sa bata lang naman talaga ang maaring i-demand nung babae. hindi niya maaring pilitin ang lalaki na pakasalan sya dahil nabuntis sya or mag-sama sila para sa bata.

IMO, ang pagbibigay ng sustento ay simula sa pagbubuntis. ang amount ay maaring ibase sa actual na pangangailangan ng bata at sa kapasidad ng provider.

Sa property naman, since inaako naman ng asawa mo ang bata, ang bata ay may karapatan sa parte lamang ng asawa mo.

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum