Magandang Araw po sa inyu, may nabasa po akong column na nailathala dito na nag bibigay po kayu ng legal advise kaya sinamantala ko na po itong pagkakataon na humingi ng payu sa inyu, Isa po akong BDO Credit Card holder noong 2010 pa nagulat na lang po kami ng asawa ko na pinadalhan kaming ng BDO ng credit card na may limit na 45K na hindi naman kami nag apply or pumirma ng form para mag apply subalit nong tinawagan namin ang BDO sabi nila may laman na daw na 45K at pwede na namin gamitin once na ma activate namin ang card. samakatuwid ginamit namin ang card hanggang umabot ng 7 months sa amin na tuloy tuloy kaming nag bayad ng monthly sa mga buwan na nagamit namin, ngunit nong mawalan ako ng trabaho nahintu yung pag babayad namin ng malaki dahil matagal ako bago nakahanap ng trabaho ulit at nag babayad lang kami ng interest para lang di lalaki ang principal , hangang tinawagan na namin ang BDO na ipa cancel na yung card kasi patung patung na yung penalty charges nila may annual at hidden charges pa , nakiusap na kami na ipa waive na yung mga interest, membership fee ng ilang beses dahil apat na taon nang canceled yung card di na namin nagagamit wala man lang silang pakialam mag limang taon na ngayun lagi nila kaming tinatakot na e corte or anong pananakot para babayaran namin daw ang principal ng buo..monthly kami nag babayad ng 5K minsan 3K para lang bababa ang principal sumablit for the past 4 years halos yung binayad namin ay napunta lang sa interest kung tutuusin sa apat na taon kaming nag babayad halos triple na namin nabayaran ang principal na 45k pero hanggang ngayun nasa 48K pa rin wala man lang nabawas sa ilang taon naming pag babayad. Ang tanong ko Atty pwede ba nila kaming e pa kulong kung di na namin babayaran ang credit card, dahil sa una pa lang wala kaming pinirmahan na contrata or form, At dahil rin kahit anong sikap naming mag asawa makabayad ng monthly di man lang nababawasan ang principal at lalo pang lumalaki , at pwede ba nila kaming kausahan ng Criminal case, nakikiusap na ako sa kanila na sana huwag na nilang lagyan ng napakalaking interest para uusad man lang yung principal na utang namin ganun ba talaga ang BDO na yung mahihirap mas lalo nilang pina lulubog sa utang kahit nakinabang na sila ng husto sa ilang taong pag babayad namin. hindi man lang sila maawa kahit ilang beses ang asawa kung iyakan tuwing tatawag sila pag dating ng due date na babayaran na naman namin ngunit lahat lang ng binabayad namin laging sa interest lang napunta hangang kamatayan ba kaming mag babayad sa kanila kung ganun pilit nila kaming babayaran daw namin ng buo para matapus na..paano kami makabayad e wala akong maayus na trabaho at ang pakiusap lang naman namin na sana wala na silang charges halos limang taong kaming nag babayad wala man lang nabawas sa mga binabayad namin.. sana matulungan mo ako kung ano ang magandang gagawin namin .Mabuhay po kayu. randy
Free Legal Advice Philippines