Nung march 20 2015 habang nag drive ako ng lite ace van...Di ko po napansin or narinig na meron akong nasagi o nabangga..Then direreso lang ako sa talyer para pagawa sana ang carb ng van then dumating yung bata naka bike sabi nya " alam mo ba nabangga mo ko" sabi ko naku di ko alam wala naman akong naramdamam tapos tinuturo nya yung gasgas sa van e dami ng gasgas nun dahil luma na. Tapos pinakita nya mga gasgas nya sa braso at binti so ask ko sya ano gusto nating gawin sabay sabi "HINDI!!! HINDI!! Sabi ko ganito nalang e cge taga munisipyo naman asawa ko bk puede natin ayusin lalong ngalit at sinabi nya e " E SA ADMIN NAMAN TITA KO" natakot ako kasi admin yun e puedeng matanggal asawa ko pag dinamay. Sabi ko yun pala e ayusin nalang natin to parehas pala taga munisipyo e...Ganun pa din ayaw nya sabay alis at huling narinig ko nalang e babalik sya. Natakot ako kasi kasama ko anak ko ng 11yrs old bka kung sino tawagin kaya ginawa ko umalis ako at inihatid ko anak ko sa house at punta ako munisipyo naka motor nalang para makita ko sana ang bata e inabot nako ng 5pm wala akong nakita kaya sinundo ko nalang asawa at umuwi...Then after few months may dumating saking invitation sa traffic folice na pinaghaharap kami...Pilit kong tininanggi na di ko sya nabangga o nasagi dahil diretso lang takbo ko sa gitna pa ng kalsada. Ayaw pumayag ng magulang isa pa ang nanay kapatid ng admin ng munisipyo kaya talaga todo takot naming mag asawa...Dahil di nga na ayos alam ko na sasampa na nila sa korte yun. Ngayon naguusapa kaming mag asawa sa bahay narinig ng anak ko ang usapan nakita daw nya yung bata na yun at sya pa daw pinagtanungan sa tayler kung nasan ang driver ng van. Sabi ng anak ko palinga linga daw habang nag bike tapos tumama samin bandang liod ng van tapos bumasagsak. Tsaka nahabol pa nya ako sa talyer na halos 500 meters ang layo e ang takbo ko nun mga 10-20kph lang naman...
Ngayon mag kaso ako na hinaharap reckless imprudunce resulting slight physical injuries and abondonement... ayon sa testimony nila e HIT AND RUN daw nasagasaan tapos sa kuwento sa affidavit nila nasagi at bumangga sya. Kaya hindi rin ako huminto kasi hindi ko din alam at wala akong naramdaman talaga sa sobrang hina halos liit lang gasgas sa van ko. Ialang beses na kaming nakipag ayos pero ayaw talaga nila...Malinis ang kunsensya ko na wala akong alam sa bintang nya na hit and run ko sya. Isa pang problema expired na din registration ng van at na detect nila yun isa pa din naka kaso yun. Isa pa sa dahilan nila kaya itutuloy nila kaso kasi pinahirapan ko daw silang hanapin ako. Inabot ng isang buwan pero nakikita na pala nila ako sa munisipyo at nakuhaan pa ng picture sa cell. Kung napaaga daw hingi ko ng tawad bk puede pa. Di ko naman kilala yung bata at di ko na nkikita kaya pano ko makakahingi ng tawad? Pero dahilan lang nila yun gusto daw akong turuan ng leksyon at ipakulong. Gasgas sa braso at binti lang tinamo ng bata kaya lang nagsisinungaling sa kuwento... Nahihirapan na kaming pamilya dahil wala din naman akong trabaho at yung sasakyan utang lang yun sa katapid ko. Ano po ba haharapin o kaso dito? May kulong po ba kung mahatulan ako ng guilty? Paki advice ako kasi pati anak ko na ako lang nag aasikaso e naapektuhan na...Thank you and God bless
Last edited by thekiss101 on Tue Jul 07, 2015 6:20 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : update)