Wala namang exact months na dapat kang kasuhan pag di ka nakabayad, depende yon sa policy ng company. Pero ang kaso mo daw ay violation of bp22. Ang batas na ito ay ginagawang krimen ang pag-issue ng cheke na wala namang sapat o wala talagang funds regardless kung ano pa ang reason ng pag-iissue ng checks. Sa totoo lang parang may advice sa mga court ngayon na hindi na kulong ang parusa sa violation ng bp22 (though hindi pa talaga ito ang batas, pwede pa ring makulong). Ang penalty ngayon ay parang penalty na lang na times 2 or 3 sa amount ng check. Di ako sure sa kung ilang times basta ito na ang kalakaran ngayon kasi nga dapat di pinaparusan ang kahirapan. (Pero kung sinadya mo talagang hindi magbayad, pwede ka pang i-estafa nila, yon siguradong kulong).
PS. Pag nag-issue na kayo ng check, sa bangko nyo ibayad wag sa pinagkakautangan kasi pwede nilang magamit yon. Hingi na lang kau ng OR pag-naverify na ng company ang payment nyo. UNLESS DI KAYO MAKAKALIMUTIN AT KUKUNIN NYO PALAGI ANG CHECK PAGKABAYAD NIYO.