Tapos po sa lupang ito may ancestral house at katabi po ang bhay namin. Yung ancestral house po ay sa papa ko at sa mga kapatid nito. Bunso po ang papa ko. Ngayon po 3 nlng silang natitirang buhay sa magkakapatid. Yung panganay po nyang kapatid ay kapapanaw samakailan lang. At ang naghahabol sa mga ari arian ay ang panganay nyang anak na lalaki,
Sinasabi daw po umano nito na nasakanila ang last will and testament ng lolo ko. At nkasaad daw dito na ang bhay na ancestral house ay sa mga babaeng kapatid nila papa at ang mga lalaking magkakapatid (kabilang si papa) ay iba ang pamanang lupain.
Ngayon po dahil namatay na nga po itong panganay na kapatid ng papa ko. (Kapatid na babae) Itong anak nman nyang panganay na lalaki ang naghahabol sa bahay.(pinsan ko) ngayon po meron pa pong isang kapatid na babae ang papa ko na may mental disorder (nabaliw) meron syang anak na lalaki ngunit may pamilya na at walang trabaho di nya kayang tugunan ang pangangailangan ng nanay nya (tita ko)
Papa ko po ang bumibili ng mga pangangailangan ng tita ko na may mental disorder. Mula sa pagkain damit at gamot. (Maintenance) ngayon po papa ko po ang nagbabayad ng tax ng lupa namin kasali na ang tinatayuan ng ancestral house ng papa ko at mga kapatid nito.(compound yun)
At gusto na kaming palayasin ng pinsan ko na anak na panganay ng tita ko (panganay na kapatid ng papa ko na namatay na) sino po ba ang mas may karapatan dito? Dapat po ba kaming umalis? Ano po kaya ang tamang gawin namin?
MARAMING SALAMAT PO, sana matulungan niyo po ako.