I need help. May partner po ako, a lesbian. We've been together for almost 6 years. She was very manipulative ever since. Ayaw nya po ako lumalabas with friends lali na kapag may lalaki. Palagi nya po sinasabi saken na babastisin lang ako lalo na kapag lasing na. Supervisor po ako sa isang call center, and normal lang po na may team building, pero kapag nagpaplano na po ako sa team ko, hindi natutuloy dahil hindi po sya kasama, at baka mabastos daw po ako. Umabot na din po sa point na hindi na ako lumalabas kasama ang kahit sino, wala na din po akong kaibigan sa office namen.
Recently, nagkaron ng involve na 3rd party, isang lesbian din na naging kaClose ko. Aminado po ako, mali ko na nagkaron ng emotional involvement. Funny at it may say, almost all conversation namin, sa email lang po talaga. Nagsimula po lahat sa pakikipagkaibigan, na di ko naman po minasama hangganf sa nahuli nya kami, pinahiya ako ng partner ko sa harap nung isang lesbian at umabot po sa point na pinagbabantaan akong ipahiya sa trabaho... Gumawa po ako ng secret email para lang makapagSorry dun sa tao, hanggang sa nagtuloy tuloy po usapan namen, kumbaga, nakahanap po ako ng kakampi or kaibigan sa email lang... nahuli na naman po ako ng kinakasama ko... sa sobrang takot ko po na ipahiya ako sa office, nagset ako ng meeting sa aming tatlo (ako, ang partner ko and yung lesbian na involve) sa isang hotel sa makati. sa loob po ng hotel, nakita po nung isang lesbian kung paano ako pagbuhatan ng kamay, sigawan, ipahiya ant sabihan ng kung anu anong salita.
isang buwan na po mula nung mangyari yung incident sa hotel, hindi na din po kami naguusap or nagkikita nung lesbian na involve. ngayon po, pati trabaho ko, apektado na... pinopilit ko po umuwi ng maaga para lang di maabutan yung isang lesbian. pinagbabantaan pa din po ako ng partner ko ng kung ano ano. na ipapahiya daw ako sa trabaho, minsan, sasabihin nyang ang sarap kong patayin. masyado po nya akong ini-interogate to the point na hindi na po ako nakakain at nakakatulog ng maayos. wala po akong pamilyang pwedeng sumbungan dahil tinakwil na po nila ako. minsan ko na po syang sinabihan na sobra na sya pero binabalik lang po nya ang kasalanan ko. sinubukan ko na pong makipaghiwalay pero, pinagbabantaan pa din po ako. napipilitan nalang po akong sabihin na mahal ko sya para lang matapos ang gulo. madalas po nyang sabihin sakin na makapal ang mukha ko, na malandi ako at kahit sino pwede kong patulan. kahit po mga ahente ko, lalo na kapag tomboy, punagiisipan nyang di maganda. ying cellphone and emails ko po, kontrolado nya. hindi ko na po alam ang gagawin ko. natatakot po akong mawalan ng trabaho dahil dito. hindi ko na po gusto ang nangyayari...
sana po may tumulong. salamat po.