Ang nangyari, nag clearance ako around Feb 2015 at ngayong June 2015, sinabi nila na wala akong makukuha.
Binigyan nila ako ng computation na Sept. 2014 pa lang daw ay hindi na ako pumasok sa office when in fact naka sick leave ako. Nagpass pa nga ako ng documents ko for the SSS. Hindi na nila ako binayaran mula nung araw na hindi ako pumasok pero dapat meron akong long term sick leave at saka yung sick leave credits ko, na approve naman nila.
Ang lumalabas sa data nila eh hindi na ako employee nung Sept 2014 pa lang at, hindi nila pinasa yung documents ko sa SSS. Wala rin daw akong makukuhang 13th month pay. As in zero.
Nag reklamo ako sa NLRC at bukas na po ng umaga ang hearing. Sobrang nakakastress na po itong nangyayari. 5 months pregnant na ako at magbbyahe pa ako ng malayo para doon.
Kung manalo man ako, pwede ba ako humingi ng danyos sa ginawa nila sa akin, sa mga pamasahe, pagod na ginawa ko para lang sa hustisya? Ano po ba nangyayari sa unang araw ng pag meeting namin?