Nahire po ako sa nasabing kompanya noong February 25, 2015. Nakasaad na ang start date ko is March 2, 2015. Na orient na rin po ako at sinabing wala pang definite schedule para sa araw ng training. Mga dumaang araw, Tinext ako ng HR Specialist na may saktong araw na ng training. Makalipas ng 1 week at bumyahe ako papuntang maynila, tinext ko tong HR na to upang matukoy kung sigurado bang matutuloy. Sa kasawiang palad, hindi raw. napilitan ak0ng mag re route pauwi at sumakay ng ibang bus. Humingi siya ng paumanhin at ako ay nag antay ulit. Di ko alam na huling araw na pala yon ng pagtetxan namin. Nalaman ko na lang nung may nagtext sakin na ibang HR na nagresign na siya. Nagtext ulit ako ng april pero inadvise ako na mag antay muli. Gusto ko sanang ireport sila sa DOLE kasi mukhang di nila binigyang halaga ang employment ko.. Noong may 25, 2015. nag apply ako sa ibang k0mpanya at nahired. Pagdating ng June 24, nagtext sa akin na may magbubukas na training pero hndi sure, nainform ko naman sila na ak0 ay employed na. Pero gusto nila mag send daw ako ng email to close the case. Nagkaidea po ako na tingin ko binabayaran ako during nun floating status kasi may na disclose yung bank teller na may payr0ll account daw ak0 na nakaregister undr the c0mpany pero hindi posible yun kasi di ko nasubmit ang bank forms ko at walang dinisclose ang company na bayad parin during floating status. kung mag file man ako ng case sa kanila dahil sa naagrabyado ako ng kulang kulang mag 3 months na pag aantay at walang matinong update. may laban po b ako? kahit na employed na ko ngayon? at mukhang hesitant silang sendan ko sila ng email to officially close my employment case sakanila? please help me po...