hello po.itatanong ko lang po sana kung pwede po ba ma-revise ng seller yung contract to sell ng lupa kahit na po hindi payag ang buyer? Nagkamali po kasi ang seller ng computation ng total sqm na sukat ng lupa na binenta sa buyer. Pati po kasi yung right of way namin sa isang side ng lote namin ay naisama. kasi po yung lupang pinili at nabili po namin ay corner lot. at nakasaad po sa title ng lupa namin na meron road on the north-west and south-west ng lupa namin. kaya lang po ay sakim po sa lupa ang kapitbahay namin dahil po nakapangasawa ng americano at biglang naging milyonarya at binibili nya po ang kabuuang blocks ng lote sa tabi at harap po namin. kaya pati raw po yung isang kalsada na 5 meters ay pag-aari nya na raw po at yung 6 meters main road sa tabi ng bahay namin,dun lang daw po kami may right of way, samantalang corner lot nga po ang pinili namin dahil gusto namin na may access kami sa road, space, air at natural light on both sides of our lot. at wala pa naman po syang deed of absolute sale kundi contract to sell pa lang po..yung karapatan lang po naman namin sa 2 roads ang nais namin. Nung nakausap ko po ang seller, ipapa revise nya daw po yung contract to sell.ang pangamba ko po ay paano kung di pumayag ang buyer? thanks po in advance sa inyong tulong..