1. anu po ba ang next hakbang ang gagawin ko naiparating ko na po sa baranggay ang kaso namin sa sanla tira na tinutuluyan namin ngunit hindi dumadating ang kabilang panig para makipag usap hanggang sa dumating na pede ko na daw dalhin sa korte ang kaso namin ngunit nang pumunta naman ako sa legal office tinuro ako sa small claim at kailangan ko pa din mag bayad sa proseso ngunit hindi ko naman alam kung mag babayad ba ang nagsanla sa amin.
2. ang usapan nang misis ko tungkol sa sanla tira na un ay anim na buwan lamang na umabot na sa 5 taon na paulit ulit lang ang deklarasyun na mag babayad sila may inaanatay lang na pera, pero gusto na po namin umalis sa bahay na un? anu po ba ang dapat naminng gawin para makuha namin ang halaga nang pinag sanlaan?
3. san po ba ako dapat lumapit para ma obliga ang ang nagsanla na mag bayad sa nasabing halaga?
4. may mga kasulatan kami kasunduaan nang pinag sanlaan ngunit hindi notaryado? meron din naman po kami kasulatan mula sa baranggay tungkul sasanlaan at kaso nang hindi pag babayad nang nag sanla?
5. anu po ba ang dapat kung gawin?