Ibabalik nalang daw po sa akin ang pera kaya lang wala pa naman pong pambayad at hindi pa alam kung kelan mababalik. Kaya kung hindi pa po mababalik yung pera, gusto ko po sana matirahan ang bahay.
The problem is, nagmamatigas ang anak dahil may karapatan daw sila sa bahay dahil sila ay anak. Saka balo na po kasi yung Nanay na syang nagsanla sa amin. Nung nagpirmahan naman kami ng kontrata eh yung nanay lang ang pumirma. Umabot na rin po kami sa barangay at na-issuehan na rin po ako ng barangay ng CTA. Dahil 2 times po kaming nagkaron ng amicable settlement, and yet hindi nya natupad.
Ang mga tanong ko po:
1: Pano ko po ba matitirahan ang bahay? Sinasabi rin po kasi nila na naka-hold ang mga properties nila sa korte dahil dinidinig ang kaso nila sa pagkuha ng death benefits ng kanilang Ama sa ibang bansa.
2. Pwede po ba akong mag-file ng adverse claim para hindi nila basta-basta mabenta ang lupa kung sakali?
3. Kung sakali po na mapunta sa korte ang kaso, pwede ko po bang irequest na ako nalang ang bibili ng property at dadagdagan ko nalang ang perang naibigay ko sa kanila kung hindi nila maibabalik ang pera?
Maramning salamat po and More Power!