Nagkawarrant po siya at naipahuli ko siya last week. Nakulong siya at nakapagpyansa kinabukasan. Halos dalawang taon na siyang walang suporta sa aming anak at kumuha siya ng private lawyer para maasikaso ang kaso. Ako po ay umaasa lang sa fiscal. ano po ang dapat kong gawin? Kailangan po bang maghired din ako ng private lawyer?
Bago ang lahat 2years Ago may pinirmahan na po kami sa DSWD at binalewala niya po yun. Inabandona niya ang anak ko. NON-Support lang ang naikaso ko. May pwede pa po ba akong ikaso dahil sa pangmumura at pangbabastos niya sa amin ng anak ko?
Kailangan ko pong paghandaan ung magiging hearing namin at sabi ay mga August pa po iyon. Posible po bang matalo ako? May mga ebidensya po ako na may trabaho siya at ung mga pangbabastos niya sa amin ng anak niya.
SALAMAT po sa mga tutulong..