nalaman ko po na ang kasal ng ate ko at yung lalaki peke.
kasal sa iba ang lalaki. nalaman po namin ito pagkapanganak ng anak nila, ang pamangkin ko. kinasal po dito sa danao ang ate ko and yung lalaki pero nalaman namin na kasal pala siya sa iba sa carcar cebu.
tatanong ko lang po kase sa birth certificate ng anak nila nakasulat kasal sila at may date & place of marriage pa, kaya ang bata nakasunod sa apelido ng tatay niya at legitimate. eh sa totoo po pala hindi naman sila kasal kaya yung nakalagay na date & place of marriage ay hindi totoo (hindi daw po napasok sa civil registrar). valid po ba nun ang birth certificate ng pamangkin ko?
dapat po ba kami kumuha ng bagong birth certificate and ipangalan sa ate ko kase hindi naman pala talaga sila kasal at yung entries sa birth certificate may kasinungalinan. ano po ang dapat gawin? illegitimate po ba ang pamangkin ko kahit na sa birth certificate niya ay kasal ang magulang niya pero sa totoo ay hindi?
sana po matulungan niyo kami