Ganito po kasi yun, nagpagawa po kami ng bahay, 3rd fl po yung bahay namin, pero ung una at ikalawang palapag lamang ang inayos dhil inaanay na poh yung mga haligi, poste at ding sing ng bahay namin. Gagawing konkreto o bato na yung bahay namin.
Nakatira po kami sa abandoned private land, nagbabayad kami ng amilyar sa lupa pgkat hnd n nababbayaran ng may ari.
Nagreklamo po kasi yung kapit bahay namin, gusto nya pabaklas yung parte ng bahay namin. Pares parehas naman po kaming mga squatters, me karapatan po ba syang irequest na baklasin yung bahay namin samantalang wala nmn kaming sinakop, dinagdag, sa bahay namin. Ginawa lang naming konkreto.?
Kinausap na po kami sa lupon ng brgy. Peace and order officers pero ayaw nyang pumayag sa naging desisyon ng lupon na wala syang karapatang magpabaklas ng bahay pagkat wala naman syang titulo ng lupa kng hanggang saan ang pag aari nyang sinasabi.
Ngayon poh, itinuloy namin ang pagpapagawa ng bahay. Nagfile n nmn poh sya ng another reklamo direkta na sa kapitan na illegal construction dw poh kami. Hindi man lang napag uusapan pa ulet, o naimbestigahan man lamang ni kapitan, agad agad syang naglabas ng order na ipatigil yung paggawa ng bahay namin.
Ang dami ng dinadagdag na reklamo ng kapit bahay namin upang hindi matuloy ang pagpapagawa ng bahay namin. Sinasabi pa nya sa mga iba pa naming kapit bahay na, patutulugin nya daw po yung pamilya namin sa kalsada.
Kaya po humihingi ako ng advice kng ano poh ang maari nyong ipayo skn upang matigil na yung pagpepersonal sa amin ng kapit bahay namin. Nagka gap po kasi kami nuon pa dahil din sa parehas na dahilan at humantong pa po na tinutukan ng baril yung papa ko ng kapit bahay namin dahil ayaw namin pabaklas yung pinag iinitan nlang parte ng bahay namin.