tanong ko lang po.. pumirma po kasi ako ng kontrata na may 150k bond. 3 days palang po nag awol na ako due to personal reasons.
nag text po ang HR nila na mag pa-file po sila ng legal case. ang tanong ko po ay,
1. makukulong po ba ako pag ako kinasuhan ng breach of contract?
2. di ko po kayang bayaran ang 150k na bond.. pag di ko po ba nabayaran maari pa ba nila akong sampahan ng panibagong kaso sa pag di bayad ng 150k na bond?
3. maapektuhan po ba ako neto tulad ng pag kuha ko ng clearance sa nbi or pag labas ko ng bansa kahit tourist lang?
4. ano po ang maari pang maging epekto nito para sa akin?
salamat po sa inyong pag sagot