Ang mga magulang ko po ay nakapag pundar ng bahay at lupa at ito ay naka pangalan sa aking tatay at nanay ang nakalagay po ay ganito. Rodrigo Rivera married to Cecilia Rivera
Ang tatay ko po ay namatay noong 2008 at ang nanay ko naman po ay buhay pa.
Hindi po namin naayos ang lupa dahil hindi po namin alam na kailangan pala ayusin.
Apat po kaming magkakapatid at lahat po ay may asawa na. ang isa po naming kapatid na babae ay namatay noong 2014, buhay pa po ang aking bayaw ngunit wala po silang anak.
Ako po sana ay hihingi ng payo kung ano ang dapat namin gawin? May nagsabi po kasi sa amin na malaki na daw po ang babayaran namin dahil sa penalty. Hindi naman po kami mayaman at gusto na po nami ayusin ang lupa. Ang nanay ko po ay gusto ng ibahagi sa amin ang lupa para daw po kapag nawala na siya ay hindi mahihirapan pa muli.
Eto po ang mga detalye
Ang lupa po ay nasa Paranaque at may sukat na 260 sqm
Rodrigo Rivera - Tatay (deceased)
Cecilia Rivera - Nanay
Alonzo Rivera - Panganay, may asawa at tatlong na anak
Betrice Manansala - deceased, may asawa(Edwin Manansala) walang anak
Kristine Paraiso - may asawa at 3 anak
Michael Rivera - may asawa at walang anak
Nakakhiya man po ay sasabihan ko na na sana po ay hindi naman po kami mahirapan sa pagbabayad ng buwis at penalty. May nabasa po ako na pwede daw po maka diskwento sa mga penalties, pero nahihirapan po akong intindihin.
Ano po ba ang dapat gawin, ilipat ang titolo sa aming magkakapatid na buhay pa at sa aking bayaw?
Ano po and mga dapat namin gawin? Saan po kami pupunta? at ano po ang kailangan namin ihanda na mga dokumento?
maraming salamat po