good day po! paano po ba mapapalitan ang surname ng mother in law ko sa marriage certficate namin dahil nung ikinasal kami nung 2005 ay iba na po ang surname niya hindi na po yung dati niyang surname. Kasi po separated siya dun sa father nung asawa ko at nakapag-asawa po ulit siya at ayun na po ang ginagamit niyang surname since kinasal sila hindi na po yung dati. Kailangan po kasi niya for petition purposes. Kailangan niya po kasi ifile yung petition para sa amin kaya lang po yung dating surname pa din ang nailagay namin sa marriage certificate. Paano po ba namin papalitan ng surname niya ngayon yun? Maraming Salamat po sa magiging advice niyo. God Bless