Meron pong med cert dating Dec 5, 2014 - rest for 10 days then nag issue po ng extension ang doktor dated Dec 14, 2014 not fit to work rest extended to 7 more days, and so on....
Hindi po ang HR kumausap sakin regarding my status, my manager called me po. Sabi sakin 'since matatagalan kang naka-sick leave okay lang ba na LOA ka?'. I said yes po, and sabi ko po paki padalan ako ng LOA request form. Wala naman po akong natanggap.
Wala po akong natanggap na kahit anong letter from the company.
1st meeting po sa NLRC - tinanong po sakin ng lawyer(male) ng company ko kung magkano nga daw po inaasahan kong makuha. Ang sabi ko nga po ung separation pay, back pay at ung sickness benefit ko. Yung lawyer po ang nag calculate, then we both agreed on a certain amount.
2nd meeting po - Ibang lawyer(female) ang pumunta, then ang sagot lang po nya sa arbiter is "not willing to settle". Then another date was set(3rd).
3rd meeting - Nanghingi po ako ng extension kasi po wala pa po akong lawyer. Then it was set to Aug 3 for the 4th meeting.
4th meeting - Aug 3, nag pa-extend nanaman po ako with a private lawyer (family friend). Na-extend po ulit dated Aug 15. Then pinag multa po ako ng 500pesos.
SEPARATION PAY - Sa DOLE po ako first nag-file, DOLE po ang nagsabi sakin na I am entitled to saparation pay. Si company po no appearance 2 beses sa DOLE hearing, kaya niRefer na po ako ng DOLE sa NLRC to file.