Hi! May subpeona po sakin ngayon na dumating. Last month po, nagda drive ako at biglang may matanda na patawid, wala siya sa pedestrian lane bigla ako tumigil at nagbreak pero hindi yata napansin ng matanda na tumigil ako, tumama siya sa gilid ng pinto ng kotse ko. Agad akong lumabas para tulungan ang matanda, tumama raw ang sa gilid ng kotse ko ang tuhod niya. Agad ko siyang sinakay sa kotse at sinabi kong dadalin ko siya sa ospital. Dumating ang anak niya at pinipilit niyang dalin ako sa presinto kahit na nabayaran ko na ang lahat at binigyan ko na sila ng pera para sa gamot. Na-discharge din kami dahil sabi sa emergency ay hindi naman ito malala at walang nakitang fracture sa xray. Dinala pa rin nila ako sa presinto at kinuha ang lisensya ko dahil kakilala raw nila ang pulis. Medyo nagduda na ako. Pinilit nilang dalhin ko sila sa ortho center, wala pa ring makitang fracture pero biglang umaray ang matanda, biglang sabi ng doktor isesemento raw. Binayaran ko ulit ang lahat ng gatos at binigyan sila ng pera at hinatid sa bahay nila. Kinabukasan pumunta ako sa presinyo para makuha ang lisensya ko pero ayaw nila itong ibigay. Humingi ako ng tulong sa munispyo at agad akong binigyan ng clearance at binigay at lisensya ko.
Matapos ang dalawang araw text ng text at tawag ng tawag ang anak ng matanda sa akin at humihingi ng pera. Hindi ko na ito sinagot dahil natakot na ako dahil nabigyan ko na sila ng maraming tulong at hindi naman malubha ang kalagayan ng matanda, sila lang ang nagpumilit na isemento ang tuhod. Makalipas ang ilang buwan nakatamggap ako ng subpoena. Ano ang dapat kong gawin? Sigurado akong hindi ko natamaan ang matanda dahil tumigil ako, aminado din siya na siya ang tumama sa sasakyan ko. May penalty ba kapag hindi ako pumunta sa hearing? Anong mangyayati kapag hindi ako pumunta? At paano kung pumunta ako? Ano ang mangyayari? Dapat ko paba sila bigyan ng para sa damages kahit na ang matanda ang tumama sa sasakyan ko? At magkano? Sana matulungan niyo ako