[wede kung sa pwde.. pero hndi po yan matitinag sa ganyan.. i mean.. nasa ibang bansa eh. and since hndi kau kasal? hndi din po papabor sa gusto mo ang employer or agency na may hawak sa impaktong bf mo hahah!!
tubig nga!!!
anyway..
file ra9262 as economic abuse sa hndi pag sustento..
ref teh..
ANG AMOUNT O HALAGA NG SUPORTA SA ANAK NG MGA MAGULANG AY WALANG FIX NA AMOUNT DAHIL ITO AY DEPENDE SA FINANCIAL CAPACITY O KAKAYAHAN NG MAGULANG NA MAGSUSUPORTA AT DEPENDE SA PANGANGAILANGAN O NEEDS NG ANAK. ANG BATA AY MAY KARAPATAN NA HUMINGI NG SUPORTA SA MAGULANG KAHIT HINDI KASAL ANG MGA ITO.
Ayon sa Article 194 ng Family Code, ang "support" ay binubuo ng food, dwelling/bahay, clothing, medical attendance, education and transportation ng naayon sa kakayahang pinansiyal ng pamilya kasama na ang schooling or training for some profession, trade or vocation, even beyond the age of majority. Transportation shall include expenses in going to and from school, or to and from place of work. Ibig sabihin, ang support ay depende sa kakayahang pinansiyal ng pamilya kung kaya ang luho ng isang asawa o anak ay hindi pwedeng isama sa paghingi ng suporta
Nasa Family Code na ang pagsuporta sa anak ay dapat mutual o parehong magulang at hindi lamang ang isa sa kanila at ito ay ibabahagi ng naayon sa Article 201 at 202 ng Family Code. Ayon sa Article 201 ng Family Code ang suporta o sustento ng magulang sa anak ay depende sa capacity o kakayahan ng magulang at depende sa pangangailangan o necessity ng anak. Nasa Article 202 na ang sustento o suporta sa anak ay pwedeng taasan oh babaan depende sa pag-taas o pag-baba ng kakayahan ng magulang o pangangailangan ng anak.