Eto po ang aking issue.
25 years na po kami nakatira sa pagmamay-aring bahay ng parents ko. Tapos po today bigla po kaming in-informed ng kapitbahay namin that sumubra raw po kami ng about 15 inches sa area namin. Kumbaga po, nag exceed daw kami ng about 15 inches sa boundary.
Nung binili po ng parents ko etong property na eto, wala naman pong issue. Pina survey po na maayos at meron na rin pong land title. For the whole 25 years po namin dito, wala po talagang issue until today po na dineclare nila that we have exceeded 15 inches in width of our area.
Para sa amin po, wala po kaming kasalanan kasi we followed naman po accordingly in terms of kung ano lang talaga ang area namin. tapos sabi pa ng parents ko nung tinatayo yung bahay namin, nagbabantay pa talaga yung may ari to be sure na sumunod kami don sa sign na hanggang don lang ang amin.
Ano po kaya thoughts and advise nyo dito? Kasi as much as possible po, since we comply naman po all legally, we don't want to pay anything, whatsoever. How can we solve this? What should be needed to be done here in terms of legal matters.
Note po: The engineer who surveyed this land is already dead a long time ago.
Thank you so much po.