Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

pls help po. light threats and unjust vexation

3 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

inna04


Arresto Menor

Good day po. Gusto ko lang po sana mag pa advice kung ano ano po pwede kong isampang kaso kasi nag iisip po ako mag file against sa ama ng anak ko and sa wife nya na bago. Hiwalay po kami ng 10yrs and never nya nasustentohan ung anak ko 1 reason is nun nagpunta ako ng pao ang sabi po sa akin if kaya mo namn na hindi humingi ng support wag ka na magfile so hindi po ako ng file and nagpakalayo nlng po ako tinaguyod ko with the help of my family ung anak ko and 2yrs ago bigla sya nagpakita hinanap nya po ako kasama nya asasaw nya nagpunta sa bahay namin and maayos po ang pakikitungo namin sa kanila kaso matapos po ng pagpunta nya sa bahay kada bwan madami po nag ttxt sa akin iba iba mga number na gamit and mga malalaswa po mga txt. Inignore ko lng po. Kaso last yr pinutol ko n po communication sa kanila at kahit sa facebook block ko po sila ung last na number na ginamit ko po pang txt sa kanila e bago lang po sila lang po mag asawa may alam nun number na un and until now sila parin po may alam lang. Nun kelan may nagttxt ng hi and hello lng pero kanina nagtxt ng mga malalaswa ay mga below the belt na po. Pwede po kaya ako mgfile ng kaso laban sa kanila kahiy un lang po ebidensya ko? Nung december po kasi may nagtxt dim sa anak ko ng di magaganda kayalang pinutol ko po sim card nya and inireformat ko po cellphone nya kasi ayoko po ma trauma ung anak ko kasi hangang ngayon naaalala parin po nya ung ngyayari. Ang ayoko lamg po kasi nananahimik na po ako kami ng anak ko tas bigla sila magpapakita at guguluhin po kami ni sustento po para sa bata wala naabot tapos ganito po ginagawa. Medyo natatakkt din po kasi ako kung mag file ako kasi baka ako ang idemanda din nila dahil sa sama po ng loob ko napa txt din po ako sa ama ng anak ko. Pulis din po kasi siya and ung dating kaso nya na pambubugbog e nakalusot siya baka po ganun din kasi mangyari at lalo ako guluhin. Pa advice naman po. Salamat and God bless

inna04


Arresto Menor

*hindi po kami kasal and ung anak po namin dati po kasi naka apelyedo sa knya sa LCR pero dahil hindi po naregister sa nso nun nalaman ko po pina affidavit ko po register under po sa apelyedo ko. Pwede nya po kaya ako kasuhan dun? Sabi nya po kasi sa akin pwede daw po ako makulong kung mag file po sya tutoo po ba? Gusto ko lng po kasi ng katahimikan para sa akin and anak ko kaya nag iisip po ako ano po pwede ko isampa sa kanila dahil sa pang haharass po sa text

inna04


Arresto Menor

At kung sakali po mag file ako ng kaso pwede ko kaya i address nlng po sa police station kung saan po sya nagttrabaho. Nangyayari po kasi pag demand letter at hindi po tinanggap sa bahay bumabalik lng po sulat and reason kung bakit di po nakaattend ay dahil wala po nareceive. Medyo nkakatkot nga lang po kasi baka balikan ako ng mas grabe na pang gugulo kaso gusto ko na po maitigil ang pang ttext po nila lalo ngayon di lang po sa isang number ko po sila nagttxt pati po ang number na ginagamit ko para sa online business nag ttxt din po sila dun. Kung mag palit man po ako ng number malalaman din po nila kasi po ang source of income ko online selling. Sana po may makatulong sa akin. Salamat po.. sa monday plano ko po mag punta ng pao kaso 50-50 po ako kung itutuloy ko po or hindi kaso gusto ko po ng peace if mind. And medyo malayo din po kasi baguio bbyahe po ako 3hrs kaya sana may makasagot po kahit papaano sa akin mga katanungan. If ok n po kaya na ebedensya ang mga txt n natatangap ko po below the belt po kasi talaga mga mensahe nakakastress pa po kasi ring cp ko tas madami msg.

inna04


Arresto Menor

At kung mag college n po anak ko at di ko po kaya masyado paaralin may karapatan po kaya mag hingi support sa kanyang pag aaral? 2nd reason po kasi kung bakit po ako hindi nahingi sustento sa ngayon po kasi madami sya anak and 1y.old palng po bunso nya. Panganay nya po anak ko tapos po ung nag hiwalay kami nag kagf sya 2 po anak nya dun and ito pong last na napangasawa na nya po 2 din anak nya. Inisip ko din po kasi baka wala na sila maisustento p sa ibang anak nya kung manghingi pa po ako. Pero kung sakaling mag college na po anak ko at wala n po ako may habol po kaya sya? Gusto ko lng po malaman para kung sakalk po makapag handa po ako. Sa ngayon po kasi tinutulungan ako ng family ko kaso inisio ko din kung nag asawa n po mga kapatid ko baka wala na din po tumilong sa akin na iba.

inna04


Arresto Menor

And baka po wala na tumulong sa anak ko. Napapaisip lng po ako. Kasi may sakit din po ako sa puso nun december na hinarass po nila anak ko sa text nahimatay po ako ng 2 times and nag msg ako sa kanila na wag kami itext natigil namn po kaso ito nanaman po nagtext ulit mga di maganda kaya ayoko po sana ng mga text nila gusto ko pa po humaba buhay ko at hindi po mastress sa kanila. Ano po ang gagawin ko? Di ko po alam if mapapatahimik ko sila sa ginagawa nila sa akin kung mag file ako or mas gugulo po kaya? Sana po ma advisan nyo po ako.

LandOwner12


Reclusion Perpetua

iha,
simple lang eto eh,,
ang malaking tanong eh,,
bakit ka nagpapaapekto sa mga text messages kung alam mo naman na sa kanila galing at nanggugulo lang,,
carry lang, ignore, pag walang response yan, titigil din yan,, wag ka magpapekto,
once received, delete, then go on...

legally, pwede gamitin ang mga text messages, ang tanong uli, eh sapat ba,
baka madismiss lang yan, abala lang inabot mo....
sa sustento, yan pwede mo yan icase,
vs RA 9262,
ang sustento, based sa need ng bata, at sa capality ng parents,,
so kung di mo na kaya, hingi ka na tulong sa pader nya,,
regardless dito kung marami or konti anak nya sa iba, meron right anak mo..


inna04


Arresto Menor

Thank u po sa advice Smile nabobother lng po kasi ako txt po sila ni text sa akin hindi po ka magaganda mga mensahe and below the belt po un lang po kulang pa ebidensya ko po.. may paraan po kaya para tumigil po sila kahit pang warning lang po para hindi po ako tinatakot at pinag tetext po? Nagtext po kaai ngayon lang ang sabi po kailan ang meetup mo sa baguio para masabuyan kita ng asido wla po ako sapat na ebidensya kung sino sya number lang po at kutob.. nag aalala po ako baka totohanin naman po wala akong safety.. online lang po kasi ang pinag kikitaan ko and pag may meet up po ako sa baguio pinopost ko po sa facebook para mag text ang buyer ko.. pwede ko po ba iforward muna iyong ibensya na text po sa akin pang safety ko na din po?

LandOwner12


Reclusion Perpetua

magkalapit lang ba kayo ng tirahan,
kung under kayo ng isang branggay, ipablotter mo..
meron kamong nagbabanta sayo,
kung same town, sa police station,,
kung malayo,, carry lang,
sabi ko nga, bakit ka nagpapaapekto..???
below the belt or what, ignore,,
isipin mong wrong send, don't bother to spend any second to think whoever sends or what..
i forward yong text, kanino??

inna04


Arresto Menor

Iforward po sa pulis womans desk ganun po parang pang safety kung may mangyari po sa akin may lead. Palipat lipat po kasi ako ng lugar pag may deliver po kasi ako sa baguio po ako pag minsan sa manila po. Thank u po sa advise at may idea na po ako kung ano po dapat ko gawin. Salamat po and God bless Smile

LandOwner12


Reclusion Perpetua

Very Happy Basketball

raheemerick

raheemerick
Reclusion Perpetua

just simply avoid using belt na lng:)

then tama ang master of advice na si landowner

blotter
ask protection even sa brgy nyo
then file deaththreat or saboythreat

change your number then pm mo sakin nyo number mo hihihi:)

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum