May consultation lang po sana ako. Sana po matulungan nyo ko.
Yung kapatid po ng kaibigan ko ay nasangkot po sa sinasabi nilang "rape with consent". May girlfriend po kasi sya na menor de edad habang sya ay 18 yrs old na. Ang nangyari po kasi, pumunta yung babae sa bahay nung lalaki ng madaling araw at sinundo po ung lalaki. Lumabas po sila at may nangyari po sa kanila na pareho naman daw nila ginusto. Nalaman po kasi nung guardian ng babae na may nangyari at nag file po sila ng complaint na rape at nanghihingi po sila ngayon ng 50,000php para maareglo. Ask ko lang po sana kung rape po ba talaga yung nangyari kahit pareho nila ginusto? At kung may basehan po ba talaga yung 50,000 na hinihingi nila? Sana po matulungan nyo kami. Salamat po.