Magtatanong lang po ako regarding Laws on parking at public roads. May nabangga kasi akong sasakyan sa loob ng subdivision namin. Nakapark siya sa right side ng mismong kanto. Dun sa mismong papasukan mo pag magtuturn ka na sa kanto. Aminado naman ako na medyo hindi ko rin natantya yung sasakyan niya kaya tinamaan ko tska medyo mabilis rin ang pagpasok ko dun sa corner. Willing naman kaming parehas sa areglo nung may ari ng sasakyan. Tsaka hindi na rin kami nagfile ng police report since nasa isang subdivision lang kami at pwede namang ayusin namin kahit kami kami lang. Pero tama ba na ishoulder ko lahat nung pagparepair nung nagasgas na pinto nung sakyan? Siguro nga reckless driving ako dun, pero how about yung pagkapark ng sasakyan niya na nasa daan (hindi part ng bahay nila) tapos na sa kanto pa kung saan mismong dadaanan mo pag pasok mo sa isang kanto.
Free Legal Advice Philippines