Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

nadamay sa kaso, patulong nmn po Atty.

Go down  Message [Page 1 of 1]

1nadamay sa kaso, patulong nmn po Atty. Empty nadamay sa kaso, patulong nmn po Atty. Wed Nov 24, 2010 6:16 pm

jiper


Arresto Menor

magandang araw po Atty. gusto ko po sana maikwento ang pangyayari ngunit nauunawaan ko po na madami rin kayo dapat pang basahin at matulungan.

Ako po at ang aking mga magulang ay naisama pong kasuhan ng Frustrated Murder noong 2009. Recently, bumaba yun resolution at binaba ang kaso to Slight Physical injury.

Nangyari po ang gulo nung Birthday ko at sa tapat ng bahay nmin, bisita ko VS anak ng kapitbahay namin na umuwing lasing galing sa ibang inuman.

Naniniwala po ako na mapapatunayan na hindi ako involve sa gulo at lalo na po ang Nanay at Tatay ko.

Ano po kaya ang pwede naming maikaso laban sa kapitbahay nmin at sa kanyang testigo na nagsinungaling at sinabi sa kanilang affidavit na nakita nila ako at ang aking mga magulang na nangunguna sa pagkuyog sa nagulpi nilang anak?

nung nangyari po ang gulo, nasa likod ako ng bahay at nageEntertain ng ibang bisita, yun nanay at tatay ko po ay nagbabyahe ng pampasaherong jeep.

kapag kinasuhan po nmin sila pabalik, yun pagsisinungaling nila, pede rin po kaya kami matulungan ng PAO nun o kailangan namin ng Private Lawyer?

isa po sa problema kasi nmin ang pera, yun complainant po e mapera kasi, nagawa nya pong bayaran yun testigo nila upang mailabas na kami po ay nandun din.

maraming salamat po Atty.

(pasensya po naulit ko tong post na to, dko pa po kasi alam nung umpisa)

Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum