Ask lang po if anong gagawin ko sa pinagkakautangan ko. P3580 nlng ang natitira kong utang na hindi ko pa mabayaran dhil kakalipat ko lang ng trabaho. Pinaliwanag ko naman sa pnagkakautangan ko bakit di pa ko makabayad. Ang problema, she keeps on texting/calling na magbayad na raw ako. Humihingi ako ng extension kaso ayaw nia ko pagbigyan. Ang masama pa, tinatakot nia kong mag popost sya sa FB wall ko na hindi ako marunong magbayad ng utang. At nananakot na pupunta sya sa trabaho at school ng anak ko para maningil. Panay mura pa nia sa akin everytime na maniningil sya. Pano po kaya gagawin ko? May batas po ba na mag proprotekta sa gaya kong hinaharass ng pinagkakautangan ko? Thanks po in advance sa help.