good day po, hingi po sana ako ng advice, mayroon pong nanghiram sa aking ng 30000pesos dahil hindi po makalabas ang asawa nya sa hospital, actually hindi po sana ako magpahiram ng ganoon kalaki na amount kaso naawa po ako sa asawa at baby nya na hindi makalabas sa hospital kaya pinahiram ko nlang pero gumawa po ako ng contract at hiningi atm nya incase hindi matupad ang promise nya na after a week bayaran ang buong amount, at nilagay ko po sa contract ay 1 month to pay. so binigay nya sa akin ang atm card at ang pin nito, nagcheck ako if tama ba ang pin na binigay nya, tama nman po at mayroon tong laman na 2000. noong lumagpas na sya sa promise nya na araw, hinintay ko nlang ang payday para withdrawhin ko ang sahod nagulat ako kasi from 2000 naging 500 nlang po, kaya kinontact ko sya at sinabi ko sa kanya, sabi nya baka debit daw sa bank. txt at tumawag ulit ako sa kanya if kailan nya ako bayaran, ilang txt at tawag yun bago sya nag reply, na hindi sya nakasagot dahil maylagnat sya but ihatid daw nya ang bayad kinabukasan ng hapon, kaya naghintay po ako, gumabie nlang pi hindi po sya dumating, nakailan txt at tawag na nman po ako pero hindi na sya sumagot. hangang ngayun po ni peso hindi po sya nakabayad sa akin, at lage pong 500 ang laman sa atm, na sabi nya doon papasok ang sahod nya, ano po dapat gawin ko? pwede ko po syang kasohan ng stafa?
yansuo