Nagloan po ako and ngissue ng check as mode of payment. Sa tao lamang po ito at walang contract na pinirmahan. Nung una po ay nkakapaghulog po ako ng interest pero ng kinalaunan ay hindi na po. Inabot po ng 3 months yung loan and the lender threatens to file a complain BP22 kung hindi mabayaran or pumirma ng promissory note para sa payment arrangement. Yun loan balance po ay nging triple ng original amount and lumaki po ng halos 7 months kong sahod. Ang gusto po ng lender at pumirma ako ng promissory note saying na babayaran ko yung tripled amount in 4 months. Nagdadalawang isip po ako dahil alam ko sa sarili ko n hindi ko po kayang bayaran yun.
Magpapa advice po sana ako. Mas magiging malala po ba yung situation if pumirma ako ng promissory note kesa magpakaso? Irerequire parin po ba ko ng court na bayran yung tripled amount kahit verbal lamang yung kasunduan regarding 10% weekly interest?
Please help po. thank you.