GUSTO KO LANG PO MAGTANONG ABOUT SA CASE NG TITA KO. MERON PONG ISANG HEKTARYANG LUPA SA ANTIQUE NA PAGMAMAYARI NG MGA LOLA NG AKING TITA. ACCORDING PO SA TITA KO WALA DAW PO ITONG TITULO NUNG ARAW PA.
NAMATAY NAPO ANG LOLOT LOLA NG TITA KO, 5 PO ANG ANAK NILA KASAMA ANG NANAY NG AKING TITA. 2 AY PATAY NA AT 3 AY NABUBUHAY PA KABILANG ANG INA NG AKING TITA AT MAY KANYA KANYA NADIN SILANG MGA PAMILYA.
DAHIL NASA MAYNILA NA ANG 2 KAPATID, ANG INA AT PAMILYA NA NG AKING TITA ANG TUMIRA AT NANGALAGA SA LUPANG NASABI SA ITAAS. SILA NA ANG NAGBABAYAD NG AMELYAR AT NAGPAPANATILI NG LUPA SA LOOB NG MAHIGIT NA 50 NA TAON.
MINSANG NAGIPIT ANG INA NG AKING TITA ANG NAINSANGLA NYA ANG LUPA SA HALAGANG 150,000. ANG PANGANAY NA ANAK NITO ANG PANGUNAHING NANGASIWA SA PAGHAHANAP NG MAPAGSASAANGLAAN AT SA KATUNAYAN NAGPADAGDAG PA ITO NG 20,000 PARA SA KANYANG PAGAARAL SA MAYNILA KUNG KAYAT NAGING 170,000 ANG NAGING UTANG
ANG NAPAGKASUNDUANG BAYAD AY ANG MGA ANI NG BIGAS. LUMIPAS ANG PANAHON AT PINAKIUSAPAN NG INA NG AKING TITA ANG KANYANG PANGANAY NA ANAK KUNG PWEDE NITO TUBUSIN NA ANG LUPA DAHIL SAGANA NA NAMAN ITO SA BUHAY DAHIL ISA NG SEAMAN
TINUBOS NG PANGANAY NA ANAK ANG LUPA SA KONDISYON NA SAKANYA NA LILIPAT ANG PAGBABAYAD NG INTEREST NITO.
SINASABI DIN NG PANGANAY NA ANAK NA KAPAG LUMAKI ANG ANI DAPAT AY MALAKI DIN ANG INTEREST NA MAKUHA NIYA.
ANG SAGANA NA PANGANAY NA ANAK AY HINDI DIN NAGBIBIGAY NG SAPAT NA SUPORTA SA NAGHIHIRAP NIYANG INA SA PROBINSYA SAMANTALANG SIYA AY NABUBUHAY NG SAGANA.
MAIPAGPAPALAGAY PO BA NA SA INA NA NG AKING TITA ANG LUPA SA DAHILANG SIYA ANG NAGBABAYAD NG AMELYAR SA MATAGAL NA PANAHON? KUNG HIDNI, ANO PO ANG NARARAPAT NA GAWIN UPANG MAPASA KANILA NA ANG LUPA NG TULUYAN?
TAMA PO BA NA INTERESAN ANG MAGULANG NG ANAK KUNG KASAMA DIN NAMAN ITO SA PAG UTANG?
TAMA DIN PO BA NA HINDI SUPORTAHAN NG ANAK ANG KANYANG MAGULANG NA NAGHIHIRAP?
MARAMING SALAMAT PO