Free Legal Advice Philippines
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.
Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

karapatan ko sa minana ng mother ko.

4 posters

Go down  Message [Page 1 of 1]

1karapatan ko sa minana ng mother ko. Empty karapatan ko sa minana ng mother ko. Mon Apr 27, 2015 4:54 pm

irwin11


Arresto Menor

Gusto ko po malaman kung may rights na ko kunin o masabing may karapatan lang ako sa lupa ng mother ko since patay na sya 5yrs ago. Buhay pa po ang father at tatlo kami magkakapatid ako ang bunso. Ang gusto ko lng mangyari e masabing maynright ako na magstay o mamahala sa nmana ng mother ko kahit buhay pa ang father ko. Kasi meron kami paupahan at itoy gusto ng father ko na ang income e sa kanya lang mapunta. Ito po ba ay conjugal property nila? Ang gusto ko po kasi e magkaroon din ako sa kinikita ng paupahan namin. Pepede poh ba un? At kung pede ko po ba makuha na ung share ko dun sa mana ng mother ko. Salamat poh

2karapatan ko sa minana ng mother ko. Empty Re: karapatan ko sa minana ng mother ko. Mon Apr 27, 2015 6:22 pm

LandOwner12


Reclusion Perpetua

ang alam ko dito ang administrator ng Congugal property is the husband, meaning, yong tatay mo..
reference ka sa Civil code, chapter3..

3karapatan ko sa minana ng mother ko. Empty Re: karapatan ko sa minana ng mother ko. Tue Apr 28, 2015 2:56 am

irwin11


Arresto Menor

salamat po sa reply. may tanong pa po ako e diba po minana po ng mother ko un sa mga lolot lola ko so it means di nila (mama at papa) ko. napundar un mula ng nagsama sila.un po kasi ang pagkakaalam ko sa conjugal e. tapos mas nauna pa nga namatay ang mother ko sa lola ko. And ano po ba ang magiging karapatan ko dun ? kasi ung panganay po namin gusto nya na ibenta ang share nya. pinipilit pa nga kami papirmahin sa blanko na papel e.

4karapatan ko sa minana ng mother ko. Empty Re: karapatan ko sa minana ng mother ko. Tue Apr 28, 2015 7:48 am

LandOwner12


Reclusion Perpetua

medyo mas malabo na to now ah..
lagyan mo ng chronology of events..
factors to consider,,
1. future inheretance- meaning, magiging sa mama mo lang ang mana, kapag namatay na c lola mo, in that case nauna c mama mo sa lola mo, meron tayong inheritance by representation dito.
in that case yong share ni mama mo eh mamanahin ng kanyang heirs.
2. congugal or community property- mukhang di nga to congugal, kasi di naman nangyari na naging ke mama mo to.
3. unless, merong dead of donation ang lola mo sa mama mo, nong buhay pa cla pareho.
as per heirs, meron kayo karapatan, on the outright na namatay mama nyo..

5karapatan ko sa minana ng mother ko. Empty Re: karapatan ko sa minana ng mother ko. Tue Apr 28, 2015 1:23 pm

irwin11


Arresto Menor

Ayun.. Alam ko na poh ngayon. Kasi un naman poh talaga ang nangyari. Dalawa lng sila ng tito ko na nagmana nito. So mas may karapatan ba kami na magkakapatid dun sa mina na ng mother ko kesa sa father ko poh? Kasi tuwing magtatalo kami pinalalayas ako. Di ba po may karapatan ako na magmatigas na di umalis sa lupat bahay ng mother ko?

6karapatan ko sa minana ng mother ko. Empty Re: karapatan ko sa minana ng mother ko. Tue Apr 28, 2015 2:00 pm

LandOwner12


Reclusion Perpetua

mukhang di maganda ang current relationship nyo ni father ah..
nga pala, di pwedeng basta basta idemanda ang family members, need talaga daan muna kayo ng baranggay( family code),
ganito gawin mo, print mo civil code article an related sa manahan, pabasa mo to sa father mo para maliwanagan sya.
then yong tungkol sa future inheritance, so di naging kanila ang property,
then yong sa representatation) , that means wala syang share since ang inheretance dito eh direct descendants only, excluding the spouse. (article 972).

goodluck.

7karapatan ko sa minana ng mother ko. Empty Re: karapatan ko sa minana ng mother ko. Tue Apr 28, 2015 9:27 pm

irwin11


Arresto Menor

Maraming salamat po sa mga payo..by the way di nga po maganda ang current relationship ng father ko. Nag abroad nga po ako coz of him para makaiwas sa di namin magandang pagkakaunawan. Nandyan na nga ung palayasin nya ko. Nung umuwi ako last year nov2014 kala ko ok na but nitong naubos na pera ko kasi di naman kalakihan naiuwi ko. Bumalik na nmn sa dati asa na nmn daw ako. Unfair nga sa akin kasi ung lupa nila na nabili sa bulacan is nandun ang kuya panganay and family nya, may babuyan sila dun. And ung second naman sister ko nasa london na may familya na din dun. Now, I think naman na its time to stood up sa mga nangyayari. Lagi nalang kasi pinamumukha sa akin na wala ako karapatan kesyo ni wala daw ako naiambag sa pagpapatau ng bahay or any tulong. Ang reason ko lng naman to get a little share sa paupahan namin is para maasikaso ko ung mga apply ko and for daily expenses. If you have some more advise I appreciated it. Salamat po uli!!!

8karapatan ko sa minana ng mother ko. Empty Re: karapatan ko sa minana ng mother ko. Wed Apr 29, 2015 7:36 am

LandOwner12


Reclusion Perpetua

i assume wala ka pang sariling family..
baka naman gusto lang ng father mo na tumayo ka sa sarili mong paa,,,para anytime soon na mangibang bahay na cla eh secured ka na,,
u may think it harsh, but parents have their own ways on how to grow their children and it doesn't end when u reach maturity,,,,,
as per right, as i have mentioned u have them, but then again, remember article 19 of civil code...

good luck..

9karapatan ko sa minana ng mother ko. Empty Re: karapatan ko sa minana ng mother ko. Wed Apr 29, 2015 9:11 am

irwin11


Arresto Menor

Ok po salamat for everything...best regards na lang poh

10karapatan ko sa minana ng mother ko. Empty lupa ng namatay na mother ko Wed May 06, 2015 2:02 pm

leiannie16


Arresto Menor

Mother ko po si Coney at father si Eugene at nag iisang anak po ako. Namatay na po ang mother ko at ang titulo ng lupa ay nkapangalan kay CONEY marrid to EUGENE. Ngayon po nag asawa ulit ang father ko at may isang anak. May karapatan po ba sila sa lupang minana ng mother kong si Coney.

11karapatan ko sa minana ng mother ko. Empty Re: karapatan ko sa minana ng mother ko. Wed May 06, 2015 6:14 pm

LandOwner12


Reclusion Perpetua

questions?
mana ba eto ng mother mo or congugal property?
if mana,, then walang right ang tatay mo,
if congugal,
after her death, hati kayo ng tatay mo sa inheritance. pero dapat naunang namatay ang mother bago ang 2nd anak, else iba ang computation nito


12karapatan ko sa minana ng mother ko. Empty Re: karapatan ko sa minana ng mother ko. Thu May 07, 2015 9:29 am

leiannie16


Arresto Menor

mana ito ng mother ko, pero nkalagay sa title is name of mother married to (name of my faher).. and yung anak ng father ko sa 2nd wife nya is pinanganak years after my mothers death. Sa kasalukuyan po kasi dito sila nakatira sa bahay kasama ang angkan ng 2nd wife or shall i say my evil stepmother.. and i get pissed off (sorry for my word) kasi parang my evil stepmother is taking over the property na minana ng mother ko, because she is saying may karapatan sya kasi she is the 2nd wife and she is saying na its a conjugal property..

But i read here na ang phrase na "married to" sa title is just a description of the civil status of my mother.. So its solely owned by my mother but Im quite confused sa mana po ba ng father ko from my mother may magiging part din ang 2nd wife and child?..

Parang ganito po kasi ang sinasabi nya.. ang bahay daw po after my mother death is hati kami ng father ko.. then nag asawa ang father ko nagkaanak ng isa so from my father hati na 1/2 maghahati kami ng anak nila so may mapupunta sa kanilang 1/4 of the property.. tama po ba ito?

13karapatan ko sa minana ng mother ko. Empty Re: karapatan ko sa minana ng mother ko. Thu May 07, 2015 10:50 am

LandOwner12


Reclusion Perpetua

as i said, yong 1/2 sayo yon, the moment namatay mother mo..
yong 1/2 sa father mo, that time pwede nyo ibenta right away kanya kanya mana..
then nag asawa ang father mo, nagkaanak, then meron share c 2nd anak from 1/2 then 1/4..
pero c step mom, eh wala..
buhay pa ba c father?

14karapatan ko sa minana ng mother ko. Empty Re: karapatan ko sa minana ng mother ko. Thu May 07, 2015 11:42 am

leiannie16


Arresto Menor

thanks po sa advice.. buhay pa po si father.. so unfortunately meron tlagang share anak nila?.. i feel sad but thats the way life and law goes.. is it possible na ilipat ko nlang sa name ko yung title with my father signing a waiver na parang he's surrendering his part of the mana sa

15karapatan ko sa minana ng mother ko. Empty Re: karapatan ko sa minana ng mother ko. Thu May 07, 2015 12:14 pm

LandOwner12


Reclusion Perpetua

pwede gawin ng tatay mo na ibigay ang share nya sayo the time namatay mother mo...
but then again, noon yon,
the moment naipanganak yong kapatid mo sa 2nd wifey, nagkaroon sya ng right, so mandatory by law, na di pwedeng i dispose lahat ng parents ang property nila..Legitime tawag dito..
Pwede mo ipatransfer sa name mo ang kalahati ng property, but yong 1/2 eh merong habol ang kapatid mo... kahit pa merong sign father mo, pag hinabol nila yan, priority ang legitime, at wala namang instances/reason para disown father mo ang kapatid mo, thus the inheritance..
on the other side, wag masyado selfish, kapatid mo rin yan... baligtarin natin, ikaw ang 2nd child, ano mararamdaman mo if ipagkait sayo ang mana mo from ur father?


btw, regarding the congugal,
walang kapiranggot na right ang stepmom sa bahay,, congugal ng mother mo at father mo yon. at di pwedeng maging congugal ng subsequent marriage ang congugal ng previous marriage.
payo ko, ipabarangay mo stepmom mo, para ipamukha na 1/2 nong property eh sayo, 1/2 ke father,
sa 1/2 ni father, tig 1/4 kayo ng anak nya(will take effect when dad died) so basically u own 3/4, kapatid is 1/4, step mom is nothing...
take note, since congugal eto ni mom at dad mo, walang inheritance c step mom, malibang specify eto sa last will ni dad, them magbabago ang hatian, pero again 1/2 lang ang pwede i will ng tatay mo in the 1st place, since sayo na ang 1/2(when mom died).



16karapatan ko sa minana ng mother ko. Empty Re: karapatan ko sa minana ng mother ko. Thu May 07, 2015 12:48 pm

leiannie16


Arresto Menor

thanks so very much for the advice.. guess i just have to bear with my evil stepmothers face since the 2nd child is just 5yo so naturally siya pa rin mag aalaga nun.. dito pa din sya titira sa haus.. i have no choice.. last question sir pasensya na.. What if my father sells the 1/2 to me?

17karapatan ko sa minana ng mother ko. Empty Re: karapatan ko sa minana ng mother ko. Thu May 07, 2015 1:07 pm

LandOwner12


Reclusion Perpetua

can not.
as i have said,
the moment dumating yong kapatid mo, nagkaroon sya ng outright right sa property ng dad mo..
legitime-- di pwede i dispost ng father mo lahat ng property nya withoout reserving the right share para sa heirs,,,
pwede ito, kung meron pang ibang property ang father mo,
like congugal nila ng evil step mom mo, yun pwede yon..

18karapatan ko sa minana ng mother ko. Empty Re: karapatan ko sa minana ng mother ko. Thu May 07, 2015 1:14 pm

leiannie16


Arresto Menor

OK sir thank u so much.. ur advice has enlightened me.. kukunin ko nlang and half sister ko at palalayasin ko ang evil step mom ko.. thank u sir

19karapatan ko sa minana ng mother ko. Empty Re: karapatan ko sa minana ng mother ko. Thu May 07, 2015 1:17 pm

LandOwner12


Reclusion Perpetua

pag aralan mo rin ang article 996 onwards of the civil code,,
wag mo naman palayasin step mom mo,
yan na lang ang ligaya ng dad mo eh..

20karapatan ko sa minana ng mother ko. Empty Re: karapatan ko sa minana ng mother ko. Thu May 07, 2015 1:32 pm

leiannie16


Arresto Menor

OK po sinabi mo eh.. cge I will read that.. thank u again so much

21karapatan ko sa minana ng mother ko. Empty Re: karapatan ko sa minana ng mother ko. Thu May 07, 2015 1:47 pm

raheemerick

raheemerick
Reclusion Perpetua

as per ref:

Nasa Article 92 ng Family Code na ang mga sumusunod na property ay exclusive o sariling property ng asawa na walang karapatan ang napangasawa dito:

(1) Property na natanggap o binigay sa asawa sa pamamagitan ng mana, donasyon kasama ang mga income dito except kung ang pagmamana o donasyon ay nagsasabi na ito ay para sa mag-asawa;

(2) Property for personal and exclusive use of either spouse. Pero ang jewelry ay considered na conjugal property;

(3) Property acquired bago makasal na mayroong mga anak na lehitimo sa unang kasal kasama ang income ng mga ito.

Sa pagbebenta ng conjugal property katulad ng house and lot, kotse at business na considered conjugal property ay kailangan mayroong written marital consent ang asawa. Kung walang written consent ang isa sa asawa, ang pagbebenta o pagsasangla ng conjugal property ay null and void (Article 96 of Family Code).

Pero kung exclusive personal property ng isa sa mag-asawa, hindi kailangan ang written consent ng kanyang kabiyak. Lahat ng property na hindi dito na nakuha o natanggap ng isa sa kanila o ng mag-asawa ay considered at presumed na conjugal property unless mayroong evidence na ito ay exclusive sa isang asawa lamang

but since deceased na si mudra? Sad

may karapatan din si fudra bilang legal na naiwang asawa. pero tama si kaibigang landowner!! Smile

wla karapatan ni isang alikabok sa lupang minana si step mudra:)

the good thing here is kung name lng ni deceased mudra ang nakapanagalan kay titulo bilang may ari..Smile if im not mistaken naka indicate lng sa titulo na si coney ay kasal kay eugene to fulfil the identity ng nag mana:) at hndi nag sasabing ang titulo at lupa ay pamana sa mag asawa. correct me if im wrong:)

Sponsored content



Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum