ANG KAMATAYAN NG UNANG ASAWA SA UNANG KASAL AY HINDI NAGBIBIGAY NG BISA SA IKALAWANG KASAL DAHIL ANG BIGAMOUS MARRIAGE AY WALANG EPEKTO MULA SA SIMULA PA LAMANG AT KAILANGAN ITONG IPAWALANG BISA BAGO MAGPAKASAL MULI.
Ang kamatayan ng asawa ay automatic na nawawala ang bisa ng kasal at pwede na muling mag-asawa ang naiwang balo na asawa ng legal. Ngunit kung ang unang asawa ay namatay, ang pangalawang kasal ay hindi magkakaroon ng bisa at ito ay patuloy na walang bisa dahil ang BIGAMOUS MARRIAGE o ang pagpapakasal ng pangalawang beses habang ang unang kasal ay hindi pa nawawala ang bisa ay void ab initio o walang bisa o epekto mula sa simula pa lamang. Kung kaya ang Bigamous Marriage ay kailangan muna na ipa-annul sa korte at magpakasal muli upang maging valid at may epekto ang kasal.
Ang Bigamous Marriage o Bigamy ay isang criminal offense kung saan pinaparusahan ang pagpapakasal ng ikalawang beses na hindi napapawalang bisa ang unang kasal sa isang annulment case. Ito ay nakasaad sa Article 349 ng Revised Penal Code "the penalty of prision mayor (from six years and one day to twelve years) shall be imposed upon any person who shall contract a second or subsequent marriage before the former marriage has been legally dissolved, or before the absent spouse has been declared presumptively dead by means of a judgment rendered in the proper proceedings."
Ito ay isang public crime kung saan ang gobyerno either through NSO o iba pang ahensiya ng gobyerno ang nagsasampa ng kaso kahit hindi magsampa ng kaso ang una o ikalawang asawa o kahit wala silang kooperasyon o pirma sa complaint. Pinaparusahan ito dahil nakakagulo ito sa civil status ng mga tao at nagugulo ang record ng marriage ng gobyerno. Iba ito sa adultery at concubinage kung saan sila ay private crimes na hindi maiisampa kung walang kooperasyon ang asawang nasaktan.
Walang batas sa Family Code o sa New Civil Code na nagbibigay bisa sa ikalawang kasal dahil sa kamatayan ng unang asawa. Dahil nga na void ab initio o walang bisa sa simula ang ikalawang kasal, ang remedyo lamang dito ay ipawalang bisa muna ito sa korte at saka magpakasal muli.
[/quote
Kung i devorce nya ung 2nd marriage wala na po bang pwedeng i kaso?