Kunsulta ko lang po sana yung problema ng ate ko.May una po sya asawa kinasal sila 2005 at may 2 anak.Naghiwalay po sila 2008 at nag abroad ate ko gamit ang apelyido sa pagkadalaga dahil hindi pa naman daw po expired passport nya. Baguhin nlang daw po pagnag renew.Kaso nga po hiwalay na sila nung mag abroad sya kaya dina pinapalitan. May nakilala po ate ko at nagpakasal sila june 2014 at nagkataon naman pong nalaman naming namatay yung bayaw ko ng august.
Papaano po ang unang kasal nya kung wala namang annullment na ginawa?
Ang sabi po e nakarecord daw sa nso at nakared ribbon sa dfa yung pangalawang kasal ng ate ko.
Pano po mga pamangkin ko kung magkaiba apelyido nila ng ina nila? Sigurado po akong magkakaron ng problema dahil walang annulment at nauna magpakasal ulit ate ko bago namatay bayaw ko.
Pano po maaayos lahat?
Ano po una gagawin para maayos papeles ng mga pamangkin ko?
Sana po mabigyan linaw. Salamat po.