Magandang araw po. Ako po ay bago dito at napadpad dito para po sana maliwanagan naman po ako sa ikukunsulta ko sa inyo. Eto po kasi yun.
Ako po kasi ay isang homeowner. Meron po kasing bahay dito sa tabi nmin na tinirahan din po ng isa din pong homeowner PERO di naman po nila pag-aari. Samakatuwid meron pong may ari nung bahay pero di po tinitirahan ng may-ari. Gusto po nmin itong bilhin dati since katabing bahay po namin pero ang sabi po ay hawak daw po ng PAG-IBIG. Nun naman pong pinuntahan sa PAG-IBIG ang sabi ay binibigyan daw po kasi ng 10years na bayaran ng may-ari (as in grace period po ata) para angkinin o bayaran ang property at kapag di po nabayaran within that time tsaka pa lang po nila isusubasta.
Ang problema po ay ganito nga. Itong katapat naming kapitbahay ay pinatirhan sa mga kamag-anak nya ang nasabing bahay. Kami po ay tumututol sa dahilang ginawang kuta ng mga manunugal at di naman po nila ito pag-aari bakit sila magpapatira. Ginagawa din pong laruan ang mga kapitbahay sa pagsasabing kesyo nabili na raw nila o may buyer na daw yung kapitbahay naming nagpatira (Ahente po kasi itong kapitbahay nmin). Ang nakakatawa po ay sinabi nya po yung mga nabanggit kong dalawang dahilan (nabili nya at may buyer sya nung property) NUN pong tumutol kmi sa pagpapatira nya ng mga kamag-anak nya. Meron pa daw po syang pinakitang papel sa kapatid ko na nagapatunay na may go signal daw sila mula sa PAG-IBIG na okupahan ang bahay. Nun naman pong sinabi ng kapatid ko na ipakikita ang papel na pinanghahawakan nya sa amin ay umiwas na ito at pumasok ng bahay. Noon lamang pong nakaraang linggo ay pinuntahan ng Kapatid at Bayaw ko ang PAG-IBIG para iconfirm kung nabili na nga ang bahay e ang sabi yung original na may ari pa rin naman po ang may-ari. At yung papel pong hawak nila pla na pinakita sa kapatid ko ay parang certificate lng na dumalo sila sa Seminar na inorganisa ng PAG-IBIG. Yun po ang maliwanag na tinuran ng tauhan sa PAG-IBIG. Wala daw po silang karapatan. Nasa pangalan pa din ng lehitimong may ari ang property. Meron pa rin po syang sinabi noon na may go signal din sya mula sa developer na pwde nyang patirhan ang nasabing property PERO yun naman po ay di pa namin nache-check kung totoo nga po.
Sa akin naman po kasi ay ginagawa nyang mangmang ang tao porke ahente rin sya ng lupa e di nmn po kmi mga mangmang kaya nga po kmi po mismo ay ineeksamen ang mga kung anu anong inilalahad nya. Di po katanggap tanggap na pinatitirahan nya ang bahay ng may bahay na WALANG PERMISO sa may-ari o mano man po pulsuhan nya din kming mga kapitbahay nya kung aayon ba kmi o hindi at di po yung ura-uradang patitirhan sa kamag-anakan nya sa kadahilanang siksikan na sila sa legal nyang bahay. At ang nkakapagtaka pa po na kung bakit di nya pinatira itong mga kamag-anak nya sa isa nya pang property which is WITHIN our Subdivision! 2 kanto lang po ang layo sa bahay nila!
Ano po ba ang pde naming gawin? Ang sbi po kasi ng PAG-IBIG ay tanging ang may ari lang daw po ang may karapatang magpa-alis. Ang naisip ko naman po ay Paying Homeowner din nmn po ako. Para po kasing may mali na naabuso din ang karapatan ko bilang nagbabayad na Homeowner. Ganun ganon na lng po ba yon na pag walang nakatira sa isang property ay pade mo ng pagdesisyunan at patirhan kahit di mo ito pag-aari? Gagawa pa ng kung anu ano kasinungalingan pra lang i-justify yung desisyon nyang ginawa? Hindi po ba malinaw na squatting ito?
Paki liwanagan naman po ang isipan namin. Maraming Salamat po. Napakalaking tulong nyo po sa amin. More Power and God Bless! ♥