Nagpunta po ako sa PAO Pampanga kanina to file po sana ng Abandonment Case R.A 9262 sa asawa ko since inabandona niya ako on the first month ng pagbubuntis ko. Hindi daw po ako pwede magfile ng Abandonment para sa anak ko dahil hindi daw po pumirma ang asawa ko sa birth certificate ng anak ko. Kailangan ko po ba talaga magfile ng petition of paternity para makapagfile ako eh kasal naman kami since 2012 sa civil? Hindi po ba automatic yun kahit hindi niya pirmahan dahil kasal naman kami? Nung nag inquire naman ako sa PAO Makati pwede naman daw po ako magfile ng abandonment at hindi niya pwede ideny ang anak ko dahil kasal kami.