meron po kasi kaming lupa na nabili. actually wala pa po kaming deed of absolute sale kasi hindi pa po fully paid ang lupa. meron po kasing usapan na after mapagawa ang titulo saka po namin babayaran ng buo ang lupa. bali 5000 na lang po ang balanse at meron naman pong contract regarding doon.
adjacent to the lot we bought is yung donated road ng isang university. matagal na po iyong ibinigay ng university para maging daanan ng barangay.
dalawang beses pong nagdonate ng daan ang university school na ito dahil yung unang lot na dinonate ay natayuan na ng mga kabahayan o nasakop na ng ilang bakuran.
ngayon po isa po kami sa mga nakapagpatayo ng extension sa old road na nadonate ng university.
namatay na po yung binilan namin ng lupa at ngayon po nagcaclaim na yung mga anak niya at asawa.
nagissue po sila ng demand letter para po mag-evacuate kami dun sa extension ng bahay namin. at ngayon po ay kinasuhan nga po kami.
bali parang ang dating po e, kiniclaim nila na yung lupang dinonate ng university ay kanila...
kung mapatunayan po ba namin na hindi nila sakop yung lupa na iyon, mawawala po ba ang bisa ng demand letter? thank you po.