Nung unang taon ng kasal namin kala ko inaasikaso nya na papers ko para makapunta na ako ulit ng japan at magsama na kami bilang mag-asawa.
Para maikliin ang kwento ko, hanggang ngayon po nasa Pilipinas pa din po ako. Marami syang dahilan d rin sya umuuwi ng Pilipinas mga 3 years na po.
Gusto ko po syang hiwalayan dahil parang wala namang pong patutunguhan ang relasyon namin.
Kaso tuwing sasabihin ko sa kanya na mag-divorce nalang kami ayaw nya naman. Hirap na hirap na po ako sa sitwasyon ko.
Lagi nalang po nya akong pinapaasa ako namang tanga naniniwala kasi mahirap makipaghiwalay.
Ngayon po desidido na po ako ayoko na po sa taong ganito, kailangan hiwalayan ko na itong tao na to kundi tatanda akong mag-isa.
Salamat po
Ang problema ko po ayaw nya po akong i-divorce sa japan, d ba po kailangan ko nung divorce papers namin na galing ng japan para mag-file ng legal separation dito sa Pilipinas?
Ano pong kailangan kong gawin?
Maraming maraming salamat po