8yrs. old na po sya ngayon. Hindi po kami kasal at nagka hiwalay po kami last 6 yrs ago.
Nabalitaan ko po na may panibagong pamilya na po ang nanay ng anak ko. May bago na syang live-in partner at may anak na rin po sila.At nasa ibang bansa na rin po nagta trabaho ang nanay ng anak ko. Suportado ko po sa financial base ang bata. sa allowance at sa pagaaral nya. Ako po ang sumagot sa lahat ng gastos.
Ang gusto ko po sana attorney ay makuha ang aking anak at dito na sa bahay namin patirahin at paaralin para magabayan po namin ng husto kasama ang magulang ko. Posible po bang makuha ko po ang bata at dito na po sya manatili sa bahay namin sa Caloocan?
Lubos po akong umaasa sa inyong payo... Marami pong salamat.