Please help me. This is my situation. I have a 3yr old daughter who is an illegitimate child. Hindi pa kase pala annulled yung ex ko that time. Hindi ko nilagay yung surname niya since we broke up nung 8months pregnant ako. Wala siyang signature sa BC ni daughter. Ang nakalagay sa father tab ay UNKNOWN.
Now to get support I know I need him to sign an affidavit of acknowledgement or write a letter of acknowledgement admitting na siya yung biological dad. Pag di siya nagsend ng ganong affidavit ang alam ko pwede ako humingi sa korte ng Compulsory Paternal Acknowledgement. Eto po yung tanong ko:
1. saan ko po kukunin yung letter na un? kailangan ba sa DSWD or sa PAO? kailangan po ba na magfile ako ng kaso before ako mabigyan ng korte ng ganon?
2. if magsign siya ng letter of acknowledgement, paano po male-legalize yung support? pati po ba ang employer niya kakausapin? sino po ang makikipag communicate, ako or yung korte?
3. Ano ano po ang dapat kong ihanda for a case like this?
4. Ang email po ba na nagcocontain ng admission of paternity ay pwedeng gamitin as proof or hindi?
THANK YOU