Nabangga po ang kuya ko ng isang lasing na contractor sa subdivision sa lugar namin noong 2012. Ngayon po ay nagsampa kami ng reklamo laban sa salarin. Hindi po kami nagkasundo sa halaga ng babayaran sa aking kapatid kaya po napunta sa korte ang reklamo. kulang 200k po ang nagastos namin sa operasyon ngunit ang gusto lamang ibayad ng salarin ay 30k.
Nagkaroon po kami ng petsa ng pagdinig ngunit palagi po hindi natutuloy sa mga kadahilanang nagpalit ng judge, nasa seminar at ngayon naman po ay nasa bakasyon. Next hearing date po ay May 2015. May paraan po ba para mapabilis ang usad ng kaso? Maraming Salamat po.